Bannie | PleumaNimoX: April 2017

Search This Blog

Wednesday, April 12, 2017

INIT

Init
ni Bannie Bandibas

Ramdam ko ang hapdi ng init,
Init na tumatagos kahit sa makapal na damit--
Malamais na pawis koy patuloy sa pagpatak,
Dumadaloy na gaya ng mga luha kong bumabagsak.

Ubos na ubos na, oo, pagod na ako,
Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko--
Di na maintindihan ang mga plano mo,
Nakatitig sa araw, ako ba'y pinaglalaruan mo?

Ngunit sumagot ka at ito ang yong sabi:
Anak, pakiusap' makinig kang mabuti,
Di ko gusto ang mapunta ka sa puntong iyan,
Dinaranas ang mga paghihirap at kasawian.

Ngunit ito lamang ang naisip kong paraan
Upang ako'y muli mong pagkatiwalaan,
Muli mong mapansin at hingan
Ng tulong kapag wala ka nang mapuntahan.

Gusto kitang ilabas sa desyertong iyan,
Hilain ka sa bawat paglubog mo sa buhanginan--
Tatakpan ko ng lilim ng ulap ang sinag ng araw,
At sasabuyan ka ng ulan, pampawi ng uhaw.

Ako ang proteksyon mo sa mga alon,
At di ka hahayaang tuluyang malamon
Ng mga pagsubok at problema--
Pangako ko, ika'y yakap ko na.

Di na hahayaang masunog ang balat,
Ang tubig ng pag'ibig ay muling magkaka-alat--
Your tasteless life now taste sweet,
Just let me hold your heart and live IN IT.

Init | April 12, 2017 | Bannie Bandibas



A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...