Bannie | PleumaNimoX: KONTRIBYUSYON

Search This Blog

Showing posts with label KONTRIBYUSYON. Show all posts
Showing posts with label KONTRIBYUSYON. Show all posts

Tuesday, April 20, 2021

ALAY NAMIN AY SALUDO

Alay Namin Ay Saludo
ni Bannie Bandibas

A—lay kayo ng Diyos sa mundo,
L—ikhang ikinatuwa Niyang likhain.
A—ng handugan kayo ng isang saludo,
Y—on ay ikagagalak naming gawin.

N—inakaw ng sitwasyon ang inyong oras
A—t nabugbog para lang kami'y pagsilbihan.
M—insan kahit ang trabaho'y lumagpas,
I—isipin na lang na ito'y para sa bayan
N—a labis n'yong minamahal.

A—mbag namin itong mensaheng patula,
Y—aman nawa'y tanggapin at magustuhan sana.

S—alamat sa pag-aalay ninyo ng buhay nang hindi pinipilit
A—t sa buong pusong paglilingkod kahit kalagaya'y maipit.
L—akbayin man ay mahaba at nakakatakot suungin ngunit
U—masang inyong sakripisyo ay may kabutihang kapalit.
D—arating ang panahon na mawawala na ang mga sakit,
O—ras na payapa at malaya sa pag-aalala, balang araw ay makakamit.

#IWORKPisongLikha
#FightCovid19

Alay Namin Ay Saludo | April 21, 2021 | IWork Official | Bannie Bandibas

Tuesday, October 6, 2020

NANG PUMALAOT ANG DAHON SA LAWA

Nang Pumalaot ang Dahon sa Lawa
ni Bannie Bandibas
General Santos City

(Ito ang ika-33 entry sa Silap: Sulat SOX Flash Fiction Writing Contest 2020.)

Isang binatang lumaki sa siyudad—ako ‘yon. Di ko sukat akalain na mapapapayag nila akong pumunta sa isang pamayanan sa gitna ng tahimik, at madilim na kagubatan. Ang buwan, mga butuin, at lumang kandelaryo lamang ang ilaw.

Kinaladkad lang naman kasi ako ng barkada, baka pwede raw kaming kumawala muna mula sa kinagisnang selda. Magsisitapos na rin kasi kami sa kolehiyo.

Sa sobrang pagkaburyong ko’y napag-isipan kong maglakad-lakad sa labas. Hindi ako masayahing tao ngunit nakadama ako ng tuwa ng mapanood ko ang mga lumulutang na maliliit na ilaw, di ko maitago ang aking ngiti. “Mga alitaptap,” sambit ng boses mula sa aking likuran. Si Henry, ang pasimuno ng lahat. Napakunot ang aking noo ngunit tinawanan niya lamang ako. “O—hindi pa rin ba humupa ang galit mo, Rick? Teka nga, subukan mong makinig sa paligid.” Ayaw ko siyang sundin ngunit biglang may unti-unting ipinipakinig sa akin ang gubat. Parang musika. Ang ganda. “Ngayon mo sabihing nagsisisi kang sumama ka sa amin,” panghahamon niya. Binigyan ko lamang siya ng matalim na titig at nagsimulang maglakad ng mabilis papunta sa gubat.

Tinatawag niya ako ngunit unti-unti itong humihina habang papalayo ako. Naabot ko ang lawa. Ang ganda. Mapayapa.

Nakatitig lang ako sa tubig hanggang sa isang iglap ay may isang babaeng umahon mula sa tubig. Walang saplot na naglalakad patungo sa akin. Natumba ako sa aking kinatatayuan. Naging mabilis ang kanyang paglalakad hanggang sa narating niya ang kinaroroonan ko. Napapikit. Ilang saglit ay dumilat ako at bumungad ang kanyang mukha na sobrang lapit sa akin. Ang ganda. Sinubukan niyang ilapat ang mga labi niya sa labi ko ngunit iniwasan ko ito.

Bigla siyang tumayo, ramdam ko ang kaniyang pagkadismaya. “Hindi mo ba ako mahal?” sambit niya habang naglalakas paatras. Naguluhan ang aking utak sa kanyang tanong. “Maganda ako, hindi ba? Ang aking musika, natutuwa kang pakinggan? Lahat ng iyong natatanaw, ligaya ang dulot ng pagmamasid mo rito ngunit bakit hindi mo ako kayang mahalin?” dagdag niya.

Napagtanto ko ang kanyang ipinapahiwatig. “Hindi kita kayang mahalin dahil natatakot akong umalis sa aking kinagisnan. Natatakot akong hindi na paniwalaan ang mga nakasanayan. Natatakot akong husgahan at masabihang ipokrito, malabong tanggapin ang bago sa paningin. Baka pag minahal kita, ayaw ko nang lumisan—maiwanan dahil pinili ko ang aking nais,” sagot ko.

Biglang nagliwanag ang paligid. Napatingin ako sa dilag at nagsimula siyang magliyab. “Hindi! Mali ka! Kayang gamutin ng pag-ibig ang sistema at paniniwalang sarado. Ang tao, mga hayop, at lahat ng may buhay ay nasasaktan lamang dahil sa pagkakulong. Ako, ang kalikasan, ay napapahamak dahil sa paniniwala ninyong walang ibang daan. Mas makapangyarihan ang paninindigan at pag-ibig kaysa takot!” huling sinambit niya bago tuluyang naglaho.

Nanatili akong tulala sa lahat ng aking nasaksihan hanggang sa may dumating. Si Henry.

“Rick, ano’ng nangyari?” tanong niya.

“Henry, ayaw ko nang matakot,” ang tanging nasagot ko sa kanya kasabay ng pagyakap. Pagtanggap sa tunay kong nararamdaman.

Nilipad ng hangin ang tuyong dahon papunta sa tubig ng lawa at hinayaang maglakbay, pinaghilom, at pinalaya.

 

#SulatSOXSilap

 

SERTIPIKO NG PAGKILALA

POSTER NG SULAT SOX

POSTER NG SULAT SOX

Nang Pumalaot Ang Dahon Sa Lawa | October 7, 2020 | Sulat Sox | Silap: Sulat SOX Flash Fiction Writing Contest 2020 | Admin’s Pick Number 8 | Bannie Bandibas


POSTER NG PAGBATI MULA SA WRITEAR'S SHEET

Sunday, August 16, 2020

KWARENTA

Kwarenta
(Spoken Word Poetry Piece)


Lumilipas,
Tumatakbo ang oras…
May hinihintay ka?
Ako kasi, oo--
araw-araw naghihintay sa isang dalaga,
tatlongput-siyam na araw na.

Dito--
sa kabilang dako ng posteng ito,
kung saan ang usok at ingay ay nagtatagpo--
pati na rin ang aming mga puso.

Ninanakawan ko siya ng tingin,
umiiwas kapag kaniyang napansin.
Di ko masabing maganda siya--
”Oo, maganda ka ngunit lungkot ang nakikita ko sa iyong mga mata.”

Una kang sumasakay sa bus na kulay pula,
ako nama’y humihiling na ma-trapik ka
upang magkasabay pa rin ang mga bus natin sa paglarga
ngunit hindi kita naaabutan, nakapagtataka.

Kinabukasan, oras na,
Ako’y nagpasyang magpapakilala.
Naghintay ako, Hinintay kita
ngunit wala akong nasilayan, kahit anino mo, sinta.

Naghintay ako, pinalagpas ko ang isang oras
kahit bawas na to sa sweldo at marami nang dumaan na bus--
naghintay ako
ngunit tila nawalan na ng pag-asa itong puso.

Hanggang…

May dumating na isang matanda,
babaeng itim ang suot, malungkot, lumuluha.
Nagtanong ako, “saan po ang inyong punta?”
”Sa puntod ng apo ko, iho.”
Kita ang pagkalugmok sa pagsagot niya.

Ipinakita ang litratong dala-dala,
gulat ang nadama.
Lalong bumilis ang pintig ng aking puso
nang sabihin niyang-- “apatnapung araw na rin mula nang nilisan niya ang mundong ito, dito mismo.”

Dito mismo sa lugar na ito--
sa tagpuan ng aming mga puso.

Lumilipas,
Tumatakbo ang oras…
Umiibig ako sa isang multo.
Bakit ganito? Bakit ba ako
ang pinaglaruan ng buhay at kamatayan?
Pinagtagpo ang kahapon at kasalukuyan
sa daang walang tumatakbong sasakyan--
walang simula ngunit may hangganan.

~

Photo credits to Pinterest
Follow our Mother Organization's page:
Istilo Poetry
Follow also our other branches:
Istilo Poetry - Tagaytay
Istilo Poetry - Ilocos Sur
Istilo Poetry - Valenzuela
Istilo Poetry - Oriental Mindoro
Istilo Poetry - Negros Oriental
Subscribe also to our YouTube Channel: Istilo Poetry
#SpokenWordPoetry
#SuportaLokal

FACEBOOK VIDEO

Kwarenta | August 17, 2020 | Istilo Poetry - SarGen | Bannie Bandibas

Thursday, July 9, 2020

AMENDMENT

 aMENDment

As a kid,
people would always see me
as one of the troubles—
but they've just never understood
my thoughts, my poems, and drabbles.

They never saw me as a child,
as one of the men of the future.
A person that may become a leader,
the one who'll have the drive to nurture.

Now, I've grown up—
I did my own healing and mending bruises.
Believing that someday the world would change,
uplifting the youth to win while accepting losses.

Amendment | July 9, 2020 | Istilo Poetry - SarGen | Bannie Bandibas

Friday, May 29, 2020

HALAGA

HALAGA

Ang mga bugbog at peklat ay hindi basehan
kung paano ang sarili mo'y pahahalagahan.
Parte lamang ito ng naging proseso, nakaraan
na hindi mo na kailangan pang pagtakpan.

Gawing motibasyon ang mga sakit na naranasan
upang magpatuloy sa tinatahak mong daan
at kung sakaling mawalan ka man ulit ng dahilan,
lumingon ka lang—nasa likod mo kami, Kaibigan.

#HindiKaNagiisa
#DamdamingNakapaskil

*Certificate of Recognition*

Halaga | May 23, 2020 | Damdaming Nakapaskil | Hindi ka nag-iisa | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Monday, May 25, 2020

ANG PUSO NG DULA

Ang Puso Ng Dula

Nagsitayuan sa kanilang mga upuan ang madla,
sa wakas, tuluyan nang natapos ang dula.
umaalingawngaw ang masigabong palakpakan
kasabay ang nakabibinging hiyawan sa bulwagan.

Lahat ay nakatutok sa mahuhusay na mga artista,
tunay silang may kagalingan—'di mapagkakaila.
ngunit ako, paningin ay tungo sa dakong likuran,
nakangiti sa mga taong dapat ding parangalan.

Simula sa manunulat, direktor, at mga tagapangalaga
ng ilaw, damit, gamit, musika, tagahila ng kurtina—
sila'y nararapat din naman nating pasalamatan,
ang pusong nagpapadaloy sa dugo ng mga dulaan.

Kahit sa kanila'y ang entablado lang ang nakakaalala
sa tuwing isinasara ang mabigat na kurtinang pula,
mananatiling mainit ang likidong inaalay sa katawan—
mahalagang bahagi na siyang pumipintig mula simula hanggang katapusan.

POSTER NG KONTRIBYUSYON

Poster - ©Istilo Poetry - Ilocos Norte


Ang Puso ng Dula | May 26, 2020 | Istilo Poetry - Ilocos Norte | Poetry Exhibit 2022 | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Tuesday, May 5, 2020

TIMAAN

Timaan

Sa pagsugod, daghan wa'y labot.
Naa pay uban na igo ra mahimuot. 
sa bayrus, dili daw ta makab-ot
kay lage, bisaya, isog og mga singot.

Apan sa pagdugay, wa nabantayan—
naghinay-hinay na tang naapektuhan. 
Mga panginabuhi sa adlaw, naligsahan
ug sa gabii, daghan ginasikop sa dalan. 

Matag tawo sa balay, kamingaw, gibati. 
Walay mahimo kundi magtuplok og sipi. 
Naay magpuyo, pero naa juy magpalabi
nga dili mahimutang—mulakaw jud lagi.

Wa nahadlok na naa nay nangamatay, 
reklamo didto, dira, 'nya magsugod og away. 
Apan unta kitang tanan magsinabtanay
ug kun mahimo, kita magtinabangay.

Sa tagsa-tagsa natong pag-ampo,
mahuman ra jud ning grabing kalbaryo. 
Maskin sa timaan walay nakahibaw, 
makabuhi ra ta puhon. Pag-abot sa adlaw. 


PABALAT NG PUBLIKASYON

NILALAMAN NG PUBLIKASYON

LITRATO NG LAHOK


Timaan | May 6, 2020 | Kasing-kasing Press | Issue No. 4 | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Thursday, April 23, 2020

UY, MARS

"Uy, Mars!"

#GlobalAstronomyMonth2020
#GAM2020PH
#StayAtHome
#ShareYourAstroArtInTimeOfCovid19
#DAY24

POSTER NG LAHOK

Uy, Mars | April 24, 2020 | Philippine Astronomical Society, Inc. | Global Astronomy Month | Partisipante | Bannie Bandibas

Tuesday, May 21, 2019

TAKE CHANCES

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (PIYESA)

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (PABALAT)

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (MENSAHE)

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (NILALAMAN)

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (RANDOM)

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (PAUNANG SALITA)

LITRATO NG PAHINA NG E-MAGASIN (RANDOM)

MENSAHE NG HUNDRED YEARS PUBLISHING UKOL SA PAGLIMBAG NG AKING PIYESA SA KANILANG MAGASIN (EMAIL)

Take Chances | May 21, 2019 | Hundred Years Publishing | Claim Summer 2014 | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Monday, June 11, 2018

KAILAN

Kailan


Kailan ako lalaya sa buhay na ito? 

Dito sa kulungang walang kanto, 

Walang sulok na mapagtataguan—

Mula sa mga demonyo at kasinungalingan.


Panginoon, eksaktong araw ang kailangan.

Anong oras? Agahan ba o hapunan?

Bawiin mo na ang kalbaryong aking dala-dala, 

'Pagkat nasasakal na sa bawat kong paghinga.


#DN_Malaya

*Certificate of Recognition*

*Poster - Entry*


Kailan | June 12, 2018 | Damdaming Nakapaskil | Kalayaan | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Wednesday, May 30, 2018

TANGING INA (GLIMPSE OF A DREAMER)

List ng mga nanalong Entries sa ating First wricon na may theme na #TangingIna

1. Non-biological Mother

        By: Eros Esguerra

2. Kanlungan ni Nanay 

          By: Harold Patrick Mercado

3. Giyera

        By: Bannie Bandibas

4. Hanggang kamatayan

        By: Jerome Marlo Mamuad

5. Gahasa 

         By: Les Dan Tres

    Ilaw ng Tahanan

       By: John Louis Venzon

6. Pluto

        By: Erika Obera

7. Oh, Siya ay isang Gawad

        By: Harold Patrick Mercado

8. Forgotten Love

        By: Irish Reponte

9. Walis sa Pinto 

        By: Bannie Bandibas

10. Alaala

         By: Ceejay Lou Alaon

       Surrogate Mother

           By: Resyel Ann Guevarra






Giyera at Walis sa Pinto | May 31, 2018 | Playwright Org. | Antolohiya - Tanging Ina | Top 3 & 9 | Bannie Bandibas

Friday, April 13, 2018

MENTAL ILLNESS

 #DNActivityMentalIllness


Ako'y nasa isang kumplikadong mundo

Na ang panalo ang siyang tunay na bigo.

Ang nagtitiwala ang siyang nagdurusa

At nakaaalpas ang mga utak talangka.


Pag-asa ang nais maramdaman,

Ngunit bitbit nila'y kasinungalingan.

Kapayapaan ang nais matamo,

Ngunit bakit may pagdanak ng dugo?


(c) Bannie Bandibas

#DamdamingNakapaskil 

*Certificate of Recognition*

*Poster*


April 13, 2018 | Damdaming Nakapaskil | #DNActivityMentalIllness, Contribution | Accepted | Bannie Bandibas

Saturday, September 30, 2017

ALL I WANT FOR CHRISTMAS

    Unang beses nagpasa ng tula sa isang antolohiya at laking tuwa ang aking nadama nang matanggap ito. Naisulat ko ang mga ito kasama ang isang espesyal na tao, nanatili siyang espesyal at matalik na kaibigan. Susubukan kong hanapin ang kopya ko ng mga tula sa aking notes pero malabo na sigurong mahanap pa.

*Iskrin-syat ng post sa pahina nh Victory Publishing - di na matagpuan*

*Itsura ng Publikasyon*


Mamagda, Tayutay at Kapatid | 2017 | Victory Publishing (PH) | All I Want for Christmas Anthology | ACCEPTED | Bannie Bandibas

AUTHOR'S PUBLISHED WORKS (TBU POST)

Author: Bannie Magallano Bandibas NBDB Author/Writer Registration No. 5666 Pen name(s): Pleumanimox, Banuy, Numistmanunula Publication(s):...