Marso 27, 2023
MR. BANNIE BANDIBAS
Manunulat
Mahal na Kagalang-galang:
Kalinaw!
Ang dugo ng pagiging Makata ay patuloy na nananalaytay
sa anomang henerasyon at sitwasyon ng paglinang, lalo na sa kasulukuyan, na
kung saan patuloy na itinataguyod ng mga Makata ang pagtanggol ng ating
Pambansa at Kautubong Wika, maging ang pagpapayabong ng Panitikan.
Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Panitikan 2023
na may temang “Kultura ng Pagkakaisa, Pagsiyasat ng Pagkakaisa sa
pamamagitan ng Panitikan,” kayo po ay inaanyayahang maging hurado sa PANAGSURAT:
Akdang Pampanitikan; Sanaysay at Dagli. Ang nasabing kontes proper ay
gaganapin nang pisikal sa Mindanao State University – General Santos City,
samantalang ang judging proper ay magaganap online.
Inaasahan po namin ang inyong magiging tugon para sa
nasabing aktibidad.
Ipinapauna na po namin ang aming marubdob na pasasalamat.
Lubos na gumagalang,
JOHN DAVE B. PACHECO
Event Head / Kalihim, SABFIL
Pangulo, SABFIL
Itinala ni:
LOVE I.
BATOON, MA
Ipinagtibay ni:
DEBBIE M. CRUSPERO, PhD.
Tagapangulo ng Departamento
Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura- MSU Gensan