*Certificate of Participation* |
Internet
#EEShortyButGoodly
#ElEscritorsEsfera
"Babe, when would
you visit me? I want to see you in person. Baka mauna pang masakop ng mga alien
ang mundo." Kausap ko sa video call ang Amerikana kong kasintahan na nakilala ko lang
sa facebook.
"Bobong mga tao! The Earth was already invaded. Hindi kayo ganoon ka talino para maimbento ang mga ganito." #55words
Kailan
Kailan ako lalaya sa buhay na ito?
Dito sa kulungang walang kanto,
Walang sulok na mapagtataguan—
Mula sa mga demonyo at kasinungalingan.
Panginoon, eksaktong araw ang kailangan.
Anong oras? Agahan ba o hapunan?
Bawiin mo na ang kalbaryong aking dala-dala,
'Pagkat nasasakal na sa bawat kong paghinga.
#DN_Malaya
*Certificate of Recognition* |
*Poster - Entry* |
Kalayaan Activity winner (5th place)
Eroplanong Papel
Naluluha si James habang inaayos sa kaniyang mesa ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Napagdiskitahan kasi siya ng mga bully sa kanilang klase.
Nilapitan siya ni Steff. "O, anong problema James? Bakit hindi maitsura iyang mukha mo?" Tanong ng kaibigan.
"Di ko lang kasi maintindihan, bakit parang hindi patas ang Diyos? Kung sino pa iyong masasama ang ugali, sila pa iyong malayang gawin ang kahit na ano." Pagmamaktol niya.
"Eh, hindi naman sila totoong malaya!" Sambit ni Steff. "Paano? Kita mo nga, malaya silang manakit ng kahit na sino!" Pagtataka ni James.
"Hindi sila malaya dahil hindi sila nakukuntento. Kaya 'wag kang tumulad sa kanila, palayain mo ang iyong sarili mula sa galit upang makalipad ka." Paliwanag ng kaibigan.
"Gaya ng mga ito," sabay turo sa isang pad ng papel ni James na natambakan ng iba pang mga gamit. Sinimulan niyang tanggalin ang nakapatong dito, "Ito ang mga problema, pag-aalala, galit, at iba pa. Kailangan mo itong tanggalin sa puso mo." Kumuha siya isang piraso ng papel at tinupi. "Ang pagtiklop ay hindi karuwagan kundi pagpapakumbaba." Nang nabuo na ang eroplanong papel ay inihagis niya ito sa hangin, "Upang masabi mong ika'y tunay na malaya."
PleumaNimox
#SobrangShortStories
#SimboloNgKalayaan
*Poster* |
"Bakit mo pipiliting makuha ang asul kung marami pa namang ibang kulay? Colors have no level, black and white are not the ends."
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...