Kalayaan Activity winner (5th place)
Eroplanong Papel
Naluluha si James habang inaayos sa kaniyang mesa ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Napagdiskitahan kasi siya ng mga bully sa kanilang klase.
Nilapitan siya ni Steff. "O, anong problema James? Bakit hindi maitsura iyang mukha mo?" Tanong ng kaibigan.
"Di ko lang kasi maintindihan, bakit parang hindi patas ang Diyos? Kung sino pa iyong masasama ang ugali, sila pa iyong malayang gawin ang kahit na ano." Pagmamaktol niya.
"Eh, hindi naman sila totoong malaya!" Sambit ni Steff. "Paano? Kita mo nga, malaya silang manakit ng kahit na sino!" Pagtataka ni James.
"Hindi sila malaya dahil hindi sila nakukuntento. Kaya 'wag kang tumulad sa kanila, palayain mo ang iyong sarili mula sa galit upang makalipad ka." Paliwanag ng kaibigan.
"Gaya ng mga ito," sabay turo sa isang pad ng papel ni James na natambakan ng iba pang mga gamit. Sinimulan niyang tanggalin ang nakapatong dito, "Ito ang mga problema, pag-aalala, galit, at iba pa. Kailangan mo itong tanggalin sa puso mo." Kumuha siya isang piraso ng papel at tinupi. "Ang pagtiklop ay hindi karuwagan kundi pagpapakumbaba." Nang nabuo na ang eroplanong papel ay inihagis niya ito sa hangin, "Upang masabi mong ika'y tunay na malaya."
PleumaNimox
#SobrangShortStories
#SimboloNgKalayaan
![]() |
*Poster* |
No comments:
Post a Comment