#AKAPWriterOfTheWeek
#MMActivity
#TeamPLA
Huni
ni Bannie Bandibas
Hangin na dumarampi sa balat,
katawan ko ngayo'y nanginginig.
Pinaparamdam ang mga sugat,
dulot ng lumamig mong pag-ibig.
Umiiyak sa ilalim ng basang kumot,
binaha ng pagluha kong 'di mahinto.
Binabagyo, sinisira ng pagkalungkot
ang marupok at basag kong puso.
Nananabik pa rin sa 'yong yakap,
sa amoy ng buhok mong mahalimuyak.
Ang paglisan mo'y di matanggap,
hindi mahugot, kutsilyong nakatarak.
Ibigin ko man na ika'y hayaan at limutin,
huni ng mga alaala mo ang nagpapanatili sa akin.