Search This Blog
Sunday, January 19, 2020
S2
S2, upgraded to large fries and choco sundae | January 19, 2020 | Bannie Bandibas
Saturday, January 4, 2020
SWERTE
Swerte
Hindi ako naniniwala sa swerte
pero taon-taon
sa pagsapit ng bagong taon
sumusunod kami sa tradisyon,
sunod sa uso kung baga.
Wala rin namang mawawala.
Ay, meron nga palang nawala.
Ikaw...
Ikaw na nakasama ko pang mamili ng mga pampaswerte sa palengke,
may humarang sa ating intsik tapos sabe,
"kayo handa labi-dalawa bilog na prutas,
para pasok swerte, labas bahay malas."
Naniwala naman tayo.
Naniwala naman ako
kasi ayaw ko nang mawala ang swerte ko,
pero para pala tayong chico—
hindi pa nabubulok,
amoy sira na, bebe ko.
Ang bebeyak sa puso ko.
May napadaang may dalang dalandan at mansanas.
Kahit yung nagbibenta'y mukhang mandurugas,
bumili tayo—
di ko alam na ang pagbili pala ng sa nakaw galing
ay bulong ng tadhana na nanakawin ka rin sa akin.
Bayabas ang sunod mong pinili,
tsaka yung paborito mong ubas na pinipitasan mo nang patingi-tingi.
Di natin namalayan na naubos na pala.
gaya ng pagmamahal mo sa akin sinta, naubos na.
Nagpatuloy tayo sa paglalakad at natagpuan ang mga melon at malalaking pakwan.
Sa sobrang bigat, agad ko itong nabitiwan.
Ganito pala ang pakiramdam ng nabibigatan?
Yong alam mong ayaw na niya pero gusto mo paring subukan.
Teka, kulang pa
kaya kahit hindi pa panahon ng lansones at rambutan
pinilit nating makahanap kahit saan.
Nalibot nang buong Koronadal,
wala talaga, napagod lang tayo.
Lahat nga pala ng pinipilit nakasasama, nakalimutan ko.
May lima pa kaso wala na tayong makitang bilog,
kaya papaya, mangga at pinya na lang ang kinuha.
Wala na kaming mahanap na ibang prutas.
Walang mahanap na iba, wala nang iba
kaso nakahanap ka ng iba.
May sampu na,
kulang ng dalawa.
Oo, nagkulang tayong dalawa
pero ang pinagkaiba natin—
ang pagkukulang mo ay hindi ko hinanap sa iba.
Hindi pala sapat ang swerte
para ang relasyon ay manatili
kasi kahit maging prutas ka pa,
kapag hindi ikaw ang gusto—
at may iba nang umaangkin,
hindi pa rin ikaw ang pipiliin niyang mahalin.
![]() |
LITRATO NG PREMYO AT SERTIPIKO |
![]() |
SERTIPIKO NG PAGLAHOK |
FACEBOOK VIDEO 1 - CALLE BIBLUS EPISODIC WREATH
Swerte | January 5, 2020 | Koronadal City, South Cotabato | Hugutan sa Hinugyaw 2020 | 5th Place | Bannie Bandibas
Thursday, January 2, 2020
CBEW LOGO AND EDITS 2020
A REVIEW ON: KAPOY NAKO
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...
-
π Follower ko ni Sir Mubarak sa facebook ug nakaila ko niya kadtong isa ka issue sa TF something in the past, sukad ato kay sige na kog atan...
-
π Luwal | Hati, mga tula ni Agatha Palencia-Bagares. The only chapbook I bought last August, 2023 in Philippine Book Festival held at SMX L...
-
π Takós Tomo III Ito ang unang volume ng antolohiyang Takós na nabasa ko, di mapagkakaila ang husay sa pagpili ng mga piyesa na talagang uma...