Bannie | PleumaNimoX: March 2020

Search This Blog

Sunday, March 29, 2020

(WALANG PAMAGAT)

Kausapin mo lang ako kapag kailangan mo ang tulong ko, kapag kailangan mo ang mga payo, opinyon, boses, at kung anu-ano pang nais mong mabasa o marinig mula sa akin dahil sa ganoon ako sanay. Sanay ako, kahit alam kong nahihirapan kang intindihin ang aking mga tula at di ka naman talaga totoong nakikinig.

Kausapin mo lang ako kapag nabuburyong ka dahil sa mga panahong ganoon ko lamang mas nadarama ang pagkasabik, pagkatuwa at interes mo. Kahit ang mga usapa'y pumaroo't parito, alam kong ika'y interesado—medyo interesado.

Kausapin mo lang ako kapag malungkot ka, kahit madalang mo akong maalala sa saya.

Kausapin mo lang ako kasi gusto ko ng kausap, ng ikaw.

Ikaw lang ang gusto kong kausap sa araw-araw.

Kausapin mo ako, pakiusap.

Gusto ko ng kausap,

Ng ikaw.


May 30, 2020 | Bannie Bandibas

Saturday, March 21, 2020

SA TAMANG TAO

#ElehiyaSaKampi
#WorldPoetryDay

Sa Tamang Tao


Nakatitig sa salamin
nitong munti kong lamesa.
Nakapwesto sa madilim
na parte ng aming sala.

Pinapanood ang sarili, 
ngumingiti, sumisimangot.
Anong ang nagyayari,
sa kalituha'y nababalot.

Nais kong muli ay sumulat
ngunit ayaw ng aking kamay. 
Ang mga mata'y nakadilat, 
ngunit utak ko'y tila namatay.

Kasabay ng paglisan mo, 
nagtampo rin ang mga tula
pagkat ang inaalayan nito
ay naglaho na lamang bigla.

Ang manunula sa loob
ay tuluyang pumanaw.
Panulat ay iniwang nakataklob
nang di dapuan ng langaw. 

Ngunit pagdating panahon, 
ako'y bibigkas uli ng mga liriko.
Ang manunulang ito'y muling aahon, 
kakatha, ngunit sa tamang tao.


*Certificate of Participation*

Sa Tamang Tao | March 22, 2020 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | World Poetry Day | Partisipante | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...