#ElehiyaSaKampi
#WorldPoetryDay
Sa Tamang Tao
Nakatitig sa salamin
nitong munti kong lamesa.
Nakapwesto sa madilim
na parte ng aming sala.
Pinapanood ang sarili,
ngumingiti, sumisimangot.
Anong ang nagyayari,
sa kalituha'y nababalot.
Nais kong muli ay sumulat
ngunit ayaw ng aking kamay.
Ang mga mata'y nakadilat,
ngunit utak ko'y tila namatay.
Kasabay ng paglisan mo,
nagtampo rin ang mga tula
pagkat ang inaalayan nito
ay naglaho na lamang bigla.
Ang manunula sa loob
ay tuluyang pumanaw.
Panulat ay iniwang nakataklob
nang di dapuan ng langaw.
Ngunit pagdating panahon,
ako'y bibigkas uli ng mga liriko.
Ang manunulang ito'y muling aahon,
kakatha, ngunit sa tamang tao.
![]() |
*Certificate of Participation* |
No comments:
Post a Comment