ENTRY#9
Dahi-dahilan
"Talunan kasi ako
Kaya di ako nananalo.
Mahina, bobo,
Walang alam sa mundo."
Hanggang kailan ka mabubuhay sa gan'yan?
Ibinababa ang ikaw mula sa matayog na hagdan.
Natagpuan ang sarili, sa sahig, duguan.
"Di ko na kaya." Susuko ka na lang.
"I can't do it, I can't."
Excuses, Excuses.
This is not a rant
But a realization of bruises.
Dulot ng tao, isang kasinungalingan
Na kapag nadapa, hihiga kang tuluyan.
Pakiusap, gumising ka kaibigan.
Huwag hayaang pigilin ka ng kabiguan.
"Tao lang kasi ako, hindi ako perpekto."
Sinong nagsabi na kailangan mong maabot ang tuktok ng mundo?
Wala naman talagang perpektong tao
Kasi hindi ka Diyos, o kahit kanyang anino.
Magkakamali, matatalo, at panghihinaan
Ngunit huwag mo itong gawing dahilan.
Mawala man ang iyong kalakasan,
Basta't ang mahalaga'y di mo ito sinukuan.
Kaya ako naiinis sa mga taong puro dahilan
Kasi dinadaan sa salita bago gumawa ng paraan.
Kung ayaw mong makoreksyunan,
Mas mabuting tumahimik ka na lang.
Ang sakit sa tainga, lalo na kung puro reklamo.
Ba't di yumuko at magtago d'yan sa dulo.
Hindi ka rin naman natututo,
Hindi mo pinapakinggan ang mga payo sa 'yo.
Hindi ka perpekto ngunit pilit mong inaabot.
Kaya konting mali, ika'y agad nayayamot.
You can try to be perfect pero subukan mo lang,
Huwag piliting umakyat sa hindi mo hagdan.
Kung nakararamdam ka ng pagkababa
At pinili mong manatiling mababa,
Please, wag kang bumunganga.
It's your choice na maging dukha.
Salat sa pag-asa at pagkakataon
Kaya sinisilid mo ang sarili sa kahon.
Only you can lift yourself up--
Kaya kung ayaw mo, then SHUT-UP!
*Certificate of Participation* |
No comments:
Post a Comment