Korona ni Reyna Korina
--
Korina Isabelle Romano,
Naadik na sa amoy ng libro.
Aral doon, aral dito--
Hinahasa ang kanyang talino.
--
Sa buong elementarya,
Hindi napalitan ang iyong saya.
Nagkaroon ka lang ng bagong palda,
Regalo ng iyong sinisinta.
--
Kayo ang prinsipe at prinsesa
Sa inyong paaralang segundarya.
Ngunit bago pa man makapagtapos,
Bumitaw siya't luha mo'y bumuhos.
--
Kaya sa sarili ika'y nangako,
"Dito, magseseryoso na ako.
Tatapusin ko ang kolehiyo
Na may medalyang ginto."
--
Kaya nagsikap ka,
Umitim na ang ilaim ng mga mata
Sa araw-araw na pagbabasa.
Nauubos mong kape'y limang tasa.
--
Wala kang pakialam sa sinasabi ng iba,
"YOLO, Magpakasaya ka nga!
Wala nang Maria Clara sa Pilipinas.
Si Anna na ang humahabol kay Jonas."
--
Eh, ano naman kung wala kang nobyo?
Mas mahalaga pa rin ang mga natutunan mo.
Saka mo na hanapin si haring Isidro,
Namnamin mo muna ang koronang nasa ulo mo.
--
Hindi gawa sa ginto ngunit pinag-aagawan.
Hindi gawa sa metal ngunit nabibigatan,
Dahil puno ito ng mga aral at leksyon.
Walang mang hari, ika'y reyna ng sarili mong mansyon.
--
#SWPAngPagtatapos
![]() |
*Certificate of Participation* |
Korona ni Reyna Korina | March 18-24, 2018 | Spoken Word Poetry | #AngPagtatapos Poem Writing Contest | Partisipante | Bannie Bandibas
Comments/Critiques:
Red Enid
* (Bumitaw = Bumitiw) [Bitiw ang salitang-ugat.]
* (m)agpakasaya ka nga!
* (H)aring Isidro
* (leksyon = leksiyon)
Ipagpatuloy ang pagsulat! ✒
No comments:
Post a Comment