Bannie | PleumaNimoX: ANG PASKO AY SIYA

Search This Blog

Sunday, December 24, 2017

ANG PASKO AY SIYA



    Tulang isinulat ko para sa isang kontes sa kasagsagan ng pagiging aktibo ko sa simbahan - Born Again Evangelical Church - CCFI (Christian Church Fellowship International).

Ang Pasko Ay SIYA


Bakit nga ba may pasko?

Bakit abalang abala ang mga tao?

Alam kong ito'y isang pagdiriwang,

Ngunit ano ba ang tunay na kahulugan?


Sabi ng iba, ang pasko ay kasiyahan,

Pagmamahalan, pagbibigayan.

Ngunit bakit sabi nung isang kanta,

Pasko na naman ngunit wala ka pa.


Bakit may kalungkutan? Mga pagdaramdam,

Hapdi at pighati pagka't nasasaktan.

Alam mo ba talaga ang kahalagahan?

O baka nabulag ng mundo kaya hindi maintindihan.


Itinutuon ang pansin sa mga regalong natatanggap,

Sa mga handang pagkaing napakasarap,

At sa mga taong, minsan nanjan, minsan di mahagilap.

Kaya ka nalulungkot kasi hindi ito sapat.


It's not about the gift that you will receive,

It's not about the food that you will eat,

Its not about the people around you,

But it's about the cross,

It's about our Savior.


Upang makamtan ang tunay na kaligayahan,

Ibigay ang puso sa gumawa ng kalangitaan.

Sa Diyos na nagkatawang tao,

Ipinanganak pa sa isang sabsabang mabaho.


Nagpakababa, upang ikay itaas

Mula sa kalungkutang dinaranas.

Ang pagsilang sa kanya ay pag-asa

Para sayo, sa akin, at sa hindi pa nakakakilala.


Kaya't pag sumapit na ang araw na ito

Huwag mong hayaang kalungkutan parin ang dala mo.

Maging tanda sana ang kanyang ginawa,

Isinilang at namatay dahil sa ating mga pagkakasala.


Ika'y pinatawad, kaya magpatawad ka.

Ika'y biniyayaan, kaya magbigay ng kusa.

Alam mo na ba ang sagot kung bakit may pasko?

Ito'y araw ng pag-alala sa kadakilaan ni Hesus na tagapagligtas mo.


-------

Bannie Bandibas

12-03-17 Entry01001010

*Certificate of Participation*

*Certificate of Award*

Ang Pasko ay Siya | December 25, 2017 | Poetry from the Heart | Tunay na Diwa ng Pasko - Pagsulat ng Tula | Seventh Place | Bannie Bandibas

Comments/Critiques: Jin Florendo - Ganda naman





No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...