Bannie | PleumaNimoX: TUPA

Search This Blog

Friday, December 22, 2017

TUPA

    Isa sa mga napaka-emosyonal kong mga likha na naiiyak ako sa tuwing binabasa. Kahit matagal-tagal na ito ay nadadala pa rin ako ng mga salitang ginamit ko. This is inspired to a Bible Story--The Prodigal Son.

Entry # 1

#NatitirangKinangSaAkingParol

#ForbiddenPoetry


TUPA


Minsan na rin akong napatanong --

Kung tatalon ba ako sa balon,

Sasagipin ba ako ni ama

Mag-aalala ba ang aking ina...

O baka mas isipin nila ang tubig?

Ang nadumihan kong tubig

Ng aking sariling dugo --

Dugong minsang dumaloy sa aking puso.

Pusong manhid na at di makadama

Ng pag-ibig ng aking sariling pamilya.

Bakit ba? Bakit nga ba?

Kailan n'yo ba ako tinuring na mahalaga?

Mahal nga ba o utusan niyo?

Mas tinuturing n'yo pa akong aso.

Nakatali at walang kalayaan

Kaya ito’y hinanap ko kahit saan.

Lugar na dama ko

Ang kalayaan na hangad ng puso

Ngunit may bulong sa aking isipan --

Bumalik ka sa iyong pinanggalingan.

May namuong pag-asa na baka

Magbago kapag ako’y muli nilang makita.

Sinimulan kong maglakad pauwi --

Nagdarasal at nagbabakasakali.

Malayo pa lang ay tanaw ko na,

Nakatitig si ama.

Si ina ay tumakbo papalapit sa akin,

Natutupad na ba ang aking panalangin?

Ngunit nang makalapit na siya,

Sampal ang natanggap ng aking mukha.

”Saan ka nanggaling? Saan ka nagpunta?

Wala ka talagang silbing bata ka."

Ang bisig ko’y handa na sana

Upang tanggapin ang yakap nila

Ngunit suntok lamang sa tiyan ang nakamit,

Nagpatuloy kahit dumadaing na sa sakit.

”Pakainin mo yong mga baboy.

Huwag kang tatamad-tamad, Totoy.”

Buti pa nga yong biik, may nag-aalagang ina.

Ako ba? Kailan ba matatagpuan ang Tunay na Pamilya?

*Certificate of Recognition - Rank 5*




TUPA (TUnay na PAmilya) | December 22, 2017 | Forbidden Poetry | Natitirang Kinang sa Aking Parol | Fifth Place | Bannie Bandibas







No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...