Bannie | PleumaNimoX: MALAMIG NA NGITI

Search This Blog

Thursday, January 25, 2018

MALAMIG NA NGITI

    Another emotional piece - tinutusok puso ko sa tuwing binabasa ko ang piece na ito. Ito rin ang nagpapatunay na gusto ko talaga ang sumulat ng mga piyesang may namamatay o sabihin na lang nating mamamatay character ako. 


Entry# 38

Malamig Na Ngiti


#PakiramdamTuwingVal­entinesDay

#NotableWritersGuild­Academy


Dumaan na ang pasko,

Bagong taon na ang nilalakaran

Ngunit malamig pa rin dito

Sa higaang minsan nating pinagsaluhan.


Nakatalukbong ng kumot,

At basang-basa na ang mga unan

Ng luha na dulot ng lungkot.

Dinaramdam pa rin ang iyong pag-iwan.


Ang huling yakap at halik

Ay muli kong naaalala.

Ang saya ay nanunumbalik

Ngunit ito’y isa na lamang ala-ala.


Ang bawat pagtibok ng puso mo,

Noong mga oras na tila susuko na--

Bawat pintig ay dama nitong bisig ko

Hanggang sa bumitaw ka na talaga.


Subalit ang pagmamahal ay dala ko pa rin.

Pag-ibig na nagpapa-init ng kalamnan

Sa kabila ng pag-ihip ng mala-yelong hangin

Na sinlamig ng iyong katawan.


Eksaktong araw ng mga puso,

Araw na pinilit mong maging masaya.

Nakangiti kang hawak ang kamay ko--

Hanggang sa iyong huling hininga. 


*Certificate of Participation*


Malamig na Ngiti | January 25, 2018 | Notable Writers Guild Academy | Pakiramdam Tuwing Valentine's Day - Poem Writing | Fifth Place | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...