Bannie | PleumaNimoX: NILALANGAW

Search This Blog

Monday, March 12, 2018

NILALANGAW

Entry no. 14

[NILALANG]AW


#UulanNgLuhaSaTaginitKasamaAngWeWritePH

#HappyBirthdayTinAndWence

Ang init ng sikat ng araw

Ay hindi ko na maramdaman.

Ang pagluha o kahit uhaw

Ay ‘di ko na rin nararanasan.

Ngunit gutom pa rin ako,

Gutom sa pagmamahal.

Tunay na pag-ibig, totoo,

Ang tangi kong dasal.

Lumikha man ng ingay

Ay walang nakaririnig.

Kahit pagod na sa pagkaway,

Di pa rin napapansin ng daigdig.

Nanlilinos ng pagmamahal,

Ngunit dinadaan lang.

Nanlimos ng pang-almusal,

Ako’y pinagtatawanan.

Ayos lang naman sa akin

Ang pagiging dukha.

Ako may saktan at apihin,

Titiisin ko ng may tuwa.

Ngunit sana kahit isang puso,

Isang pag-ibig man lang

Ang maisukli sa tulad ko,

Isang palaboy sa daan.

Kailan ko kaya mararanasan

Ang pag-aalagag tunay?

Isang pamilya at mga kaibigan,

Na magpapadama na ako ay buhay.

Ngunit huli na nga ang lahat,

Huli na para sa simpatya niyo.

Ngayon pa ba kayo didilat,

Ngayong nakapikit na ako.

Ang init ng sikat ng araw

Ay hindi ko na maramdaman.

Kasama ko’y mga langaw,

Dito sa aking huling himlayan.

*Certificate of Participation*


[Nilalang]aw | March 13, 2018 | Sulat Pinas | Spoken Word Piece | Sixth Place | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

SULAT PINAS - ibang klaseng sakit hindi dahil sa nabigo sa pag ibig mabigat din sa dibdib

Eunice Laza Misal - pinatay mo nanaman πŸ˜‚ pero ang galing πŸŽ‰πŸŽ‡

Joemar Tamayo Dela Cruz - Lakas, Bannie! Goodluck.πŸ’›

Itss Dha - Napakaganda ng iyong kata πŸ™‚

John Daryl Hernandez - Wow!! Galing! πŸ‘πŸ‘πŸ‘


No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

Ο€ Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...