Bannie | PleumaNimoX: PATUNGO SA PATUTUNGUHAN

Search This Blog

Monday, April 8, 2019

PATUNGO SA PATUTUNGUHAN

#TNPSAKAMPI2

#AngIkatlongHamon

#PangkatKatapangan

ENTRY NO. 1

Patungo sa Patutunguhan


PANGARAP nga ba'y ang dulo

o ang simula ng PANGARAP?

KUKURAP pagkat nalilito,

pipikit at muling KUKURAP.

ANO nga ba ang pangarap,

ang patutunguhan ko'y ANO?

MABIBIGO ba o malulunod sa sarap,

makakamit ba o talagang MABIBIGO?

KARERA, ang tingin ko noon

sa pangarap ay isang KARERA.

PUSTA'Y di lamang ilang trilyon,

halaga ng buhay ko'y IPINUSTA.

TITINGNAN kung tama ba ang ginagawa

pagkat sila'y NAKATINGIN,

GAGAWIN ang lahat kahit sumobra,

kahit ang totoo'y di ko na kayang GAWIN.

MAHALAGA kasi noon sa akin kung

paano nila ako bibigyang ng HALAGA,

HUSGAHAN man ng mga taong

mga mata'y MAPANGHUSGA.

PAGKAKAMALI, ako'y nakinig sa kanila

na ako'y isang PAGKAKAMALI.

HINDI na ako magpapadala

sa kasinungalingan nila. HINDI.

ALAM kong may naniniwala at

nagtitiwala sa KAALAMAN ko

na KAYA kong magpatuloy at

ang paglalakbay ay MAKAKAYA ko.

DAAN ma'y mahirap lakarin,

pagsubok ma'y nasa DARAANAN,

HUMARANG man, ako'y mananalangin

na kaya kong gibain ang HARANG.

PARA SA AKIN ang pangarap ko,

ang tagumpay ay NASA SA AKIN din.

NASA PUSO ang tibay na kailangan ko,

mga taong laman ng PUSO at dalangin

na MAKAKAPITAN ko sa paglubog

kasama ang sandigan ko't KAPITAN,

MASUGATAN at MABUO man sa daan ang hamog,

Siya ang ilaw na BUBUO sa SUGATAN.

PAGSUKO ay hindi rin naman karuwagan

pagkat katapangan din ang PAGSUKO,

PAG-AMIN na ika'y nahihirapan—

kahinaan ay AMININ mo

SA KANYA, pagkat Siya'y nakikinig—

lahat ay ibulong mo SA KANYA.

UMIYAK ka hanggang ang tubig

sa mata ay maubos, hindi na IIYAK pa.

MAGTIWALA sa sarili na maaabot

ang inaasam at hanggang may TIWALA

ay MAKARARATING ka sa pook

at sa iyong PAGDATING

MADARAMA mo ang saya

na noon mo pa nais MADAMA

basta't TANDAAN na habang humihinga ka pa

ay may pag-asa, PAKATATANDAAN.

PANGARAP na patuloy, pinipihit,

at buong puso kong PINAPANGARAP

kahit ULAP ma'y gawin ang langit

na madilim at MAULAP.

SUSUNGKITIN hanggang ang butuin

ay tuluyang MASUNGKIT,

MAINIT na apoy sa puso'y mananatiling

naglalagablab at dama pa rin ang INIT.

PATUNGO ako sa daan

tungo sa aking PATUTUNGUHAN.

LALABAN sa kahit anong laban

at di susuko sa LABANAN.

TAPANG ang sandata,

mapupuno ng KATAPANGAN

DALANGIN ang gumawa sa baluting ng pananampataya,

patuloy na sasamba at MANANALANGIN sa Kan'ya.


*Certificate of Recognition - Golden Pen Award*


Patungu sa Patutunguhan | April 9, 2019 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Tawag ng Panitikan sa KAMPI: Ang Ikalawang Paglayag | Gintong Pluma | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...