ENTRY #25
#WINK_SUMMERWRICON_POEM
Buhangin sa Dalampasigan
Sa ilalim ng tirik na araw,
bakit tila hindi ako nauuhaw?
Tila hindi na ako nananabik
sa tamis ng iyong mga halik.
Sa pag-ihip ng malakas sa hangin,
wala nang "ikaw" sa mga panalangin.
Lambing mo'y hindi na hinahanap,
pati na ang init ng iyong yakap.
Ako'y isang bato, napudpud ng panahon
at pinaglaruan ng malalakas na alon.
Dinama ang hampas ng katotohanan
hanggang sa madurog akong tuluyan.
Napadpad sa isang malayong isla,
pagkat nais ko munang mapag-isa.
Nais ko'y maintindihan muna ang sarili,
pakakalmahin ang dala-dalang buhawi.
Gaya ng buhangin sa dalampasigan,
lalakbayin ang dagat ng kawalan.
Hindi pipiliting suungin ang bagyo,
papagpahingahin ang pagod kong puso.
Malaya kang humanap ng iba,
ayaw kong kumapit ka sa malabong pag-asa.
Ako pa rin nama'y muling iibig
ngunit hayaan na munang tangayin ng tubig.
Ito'y kaunting kabig
pakanan at paatras.
Sa pagliko'y mananalig
nang di maligaw ng landas.
![]() |
*Certificate of Participation* |
No comments:
Post a Comment