Bannie | PleumaNimoX: DILIM SA LIKOD NG KATHA

Search This Blog

Thursday, May 2, 2019

DILIM SA LIKOD NG KATHA

Entry #17


Dilim Sa Likod Ng Katha

Tema: "Tula ng Aking Tunay na Buhay"

Genre: Gore


Nakatitig lamang sa aking salamin,

Kasabay ng pag-ihip ng hangin

Ay ang pagtangay ng damdamin

Sa mga hinuha ko't dalangin.


Nagkalat ang mga salitang ibinuhos,

Mapula gaya ng dugong umaagos

Mula sa pulsong nakatali't nakagapos

Sa nakaraan, patuloy na nakikipagtuos.


Biglang nabasag ang bungo't tumagas

Ang mga ideyang pilit kumakalas,

Di pa rin kayang tumakas

Kaya't di maabot-abot ang wakas.


Napunit ang balat, nagbigay aliw,

Mga letra't sukat—noo'y inagiw

Ay naging musikang di nagmamaliw

Ngunit nanatili akong makatang baliw.


Kaya kung minsan kayong namangha

Sa aking mga istorya't tula,

Subukan munang siyasatin ng mata,

Kadiliman sa bawat kong pagkatha. 

*Certificate of Participation*


Dilim sa Likod ng Katha | May 3, 2019 | Wattpad Story Contest | Poetry | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...