Bannie | PleumaNimoX: PAGLALAYAG NG PANULAT

Search This Blog

Thursday, May 14, 2020

PAGLALAYAG NG PANULAT

Paglalayag ng Panulat

Piniling lisanin—tahimik na pangpang,
pinalayag ang bangka sa karagatan.
Susubukang makipagsapalaran
dito sa tatahakin kong larangan.

Ito ang magiging bagong buhay,
mga ideya't hinuha'y maglalakbay.
Gamit ang mga salitang makukulay,
blangkong papel—bibigyang saysay.

Di man isang kilalang manunula
at minsang tinta ay nawala,
mga storya'y patuloy na idudura,
ilalahad—mga kuwento sa bawat akda.

Pluma ko'y pinagtibay ng pag-ibig
na hindi kayang bigkasin ng bibig.
Patuloy na sisisirin—malawak na tubig
nang tagumpay ay mapasa-bisig.

Ako'y isang ordinaryong manunulat,
bukas ang tainga't mga mata'y dilat.
Nandito lang ako, susulat nang susulat
hanggang matuyo—tinta ng aking panulat.

SERTIPIKO NG PAGLAHOK

LAHOK


Paglalayag ng Panulat | May 15, 2020 | The Next Poets Society | Poem Writing Competition | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...