Bannie | PleumaNimoX: ANG PUSO NG DULA

Search This Blog

Monday, May 25, 2020

ANG PUSO NG DULA

Ang Puso Ng Dula

Nagsitayuan sa kanilang mga upuan ang madla,
sa wakas, tuluyan nang natapos ang dula.
umaalingawngaw ang masigabong palakpakan
kasabay ang nakabibinging hiyawan sa bulwagan.

Lahat ay nakatutok sa mahuhusay na mga artista,
tunay silang may kagalingan—'di mapagkakaila.
ngunit ako, paningin ay tungo sa dakong likuran,
nakangiti sa mga taong dapat ding parangalan.

Simula sa manunulat, direktor, at mga tagapangalaga
ng ilaw, damit, gamit, musika, tagahila ng kurtina—
sila'y nararapat din naman nating pasalamatan,
ang pusong nagpapadaloy sa dugo ng mga dulaan.

Kahit sa kanila'y ang entablado lang ang nakakaalala
sa tuwing isinasara ang mabigat na kurtinang pula,
mananatiling mainit ang likidong inaalay sa katawan—
mahalagang bahagi na siyang pumipintig mula simula hanggang katapusan.

POSTER NG KONTRIBYUSYON

Poster - ©Istilo Poetry - Ilocos Norte


Ang Puso ng Dula | May 26, 2020 | Istilo Poetry - Ilocos Norte | Poetry Exhibit 2022 | Kontribyutor | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...