Antipara
Bumabalik sa aking
isipan ang mga alaala
ng kamusmusan, isang
munting bata,
na may mayumi't
malilinaw na mga mata—
ngunit malabo pa kung
saan ba papunta.
Inosenteng isip at
malinis ang kalooban
ang siyang aking laging
tangan-tangan
subali't sariling anyo
ay di maintindihan—
puso't utak ng bubwit ay
naguguluhan.
Sa likod nitong aking
pagkuti-kutitap,
ako'y tala bang may
minimithing pangarap
o isang bulalakaw na sa
isang iglap
ay biglang maglalaho,
singbilis ng pagkurap.
Sa aking paglaki ay
lumalabo ang paningin,
tila ba'ng kaliwanagan
ay ninanakaw sa akin—
patutunguhan ko'y di pa
rin makita,
tila isang ibon na
nakakulong sa hawla.
Lumipas ang panahon at
hindi ko na matiis,
ang pagbabalat-kayo ay
kailangan nang maalis.
kung hindi ko maaninag
ang kulay at hugis
ng tunay na ako,
nararapat nang ako ay magbihis.
Nagsuot ng polo,
pantalon at sapatos na pula,
isinaboy ang pabangong
singbango ng gumamela
at tiyaka isinukbit ang
nanilaw ko nang antipara—
sa salami'y binata, akay
ng diwa ko'y isang nena.
#Akosaloobatlabas
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-WON5IvkV2Tw8-WQnn0RV3xco0vaCPUdkB6kkFeoLIEX3v6mjJSBinbovIjdbF9FR9odnwrSZg7Fy4Yq-LLiWUwxRtEaQiH9DG-mEz7a6I_xzODBa9MoVEZno5aiiHxmTl94XHajBP0X7-ctbdVu8POdNTZJnodaKSf4NTXCZS5pkCTszf86Px1T30w/s320/1.jpg) |
SERTIPIKO NG PAGKILALA |
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhaw0Q3u9LaFZzXFmbA_ybWIw-FcAnLRU7hOmBYveWoF7vMxzk4pVjYiy8NiaDZrLSKPHVTOJ4FMM1CM81G6EbXs5Q_I1P8ViGZd1rfzn5B6GzUJQcnY7TJ3Hfd5KsKaoa_QdFQcBCTKkMigHlt9FUfo9O7EnvjglKz4cToMv2M1gmGPEcMmttAcQrhcg/s320/2.jpg) |
SERTIPIKO NG PAGKILALA - PAMAGAT |
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh2-G5onJPJ8cJiGMj3rMYdKqphCGRr6j3kvTfi1P6sFdNKXHt6LXllk6I5kLaUyr_Pu6pbNfDacLhYZMcNS2pMqQDaHiQZaC-9qZlYf38xgKPIqVMQKj4lOtLeXxhRbfVZ79lY3flJSjExrqUX9vyDBE6dwXMd0shYOgSY70XFad72EZUHgUpULGA_2w/s320/3.jpg) |
SERTIPIKO NG PAGLAHOK |
Antipara | August 12,
2022 | Para Sa
Anino | 2nd Activity | 25th
Place | Bannie
Bandibas