Bannie | PleumaNimoX: PAGLAYA

Search This Blog

Friday, May 8, 2020

PAGLAYA

Paglaya

"Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako." Sumasabay sa pagbigkas ng mga liriko sa awiting "kung wala ka" ng bandang Hale. Nakahilata sa kama habang pilit na di pinapansin ang ingay sa labas ng bahay ng mga kamag-anak kong tuwang-tuwa dahil ito na ang unang araw na hindi na nakakwarantin ang bayan.

Nilakasan ko ang tugtog mula sa aking selpon. "Hindi ko maisip kung wala ka..." Nagsimula na namang tumulo ang aking luha. "Sa buhay ko..."

"Trisha, lumabas ka na diyan. Halika't sumama ka rito sa munting salu-salo." Tawag ng aking biyenan. Nagbukas ang pinto ng kwarto, may mabibigat na mga paghakbang. Nasaksihan ko ang saya.

Hindi ko maisip kung paano nila naaatim na magsaya ng ganoon sa kabila ng nangyari. Lagpas na isang buwan pero parang masyado pa ring mabilis, parang bihasa sila sa paglimot. Nakalaya sila ngunit parang hindi ako kasama. Natapos na ang lahat, nakakulong pa rin ako.

Biglang tumahimik, nawalang bigla ang ingay. Hanggang sa may nagsalita. Bumubulong ang lahat na parang mga bubuyog. Muling tumahimik. Naglakad ang mga yapak pabalik sa kwarto. Ibinagsak ang sarili sa kama, unti-unting sumara ang pinto.

Isang iglap ay may nagsalita sa kung saan, ang boses na pinananabikan kong marinig. "Masaya sa labas, masaya silang lahat dahil natapos na rin ang pandemyang ito. Parang mga presong nakalaya sa selda. Medyo matagal-tagal din natin tong hinintay pero no'ng dumating, nahirapan akong magdesisyon kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba o malulungkot? Gusto kong magluksa dahil hindi mo man lang pinaabot sa araw na ito ang buhay mo pero gusto ko ring sumaya kasi nabuhay ako dahil sa 'yo. Nakaabot ako. Tama si itay, gusto mo akong lumaya kaya palalayain na rin kita. Maaari ka nang magpahinga at kumawala mula sa aking bilangguan, Rey."

Natapos na ang lahat at nakalaya na rin ako. 

Hindi pala ako nakapagpakilala. Ako si Rey, ang doktor na gumamot sa mahal kong asawa na si Trisha mula sa covid-19 at ang hindi pinalad na makaligtas.

EDIT NG INYONG LINGKOD MULA SA AKTWAL NA POSTER NG LAPIS ARTCOM

POSTER NG KOMPETISYON


Paglaya | May 8, 2020 | Lapis Art Com | Sa Pagtatapos | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...