#TULArawan
#TulaSaLikodNgLarawan
Mensahe Ng 'Yong Langit
Hirang,
ako'y kumulimlim nang iyong iwan.
Piniling lakbayin, malawak na karagatan
kaysa tunay na may kalawakan.
Sinta,
sa akin sana'y umuwi ka na.
Ipagaspas muli ang iyong haraya,
bumuo tayo ng tulang malaya.
Mensahe Ng 'Yong Langit | June 4, 2020 | Tularawan | 33 Words Poem Challenge | Top 88 | Bannie Bandibas
***
Entry No: 47
#IkalawangHamon
#TULArawan
#TulaSaLikodNgLarawan
Bunga ng Krimen
Anak, halika dito sandali.
Samahan mo muna si Mama.
Buhok mo ay aking itatali
nang masilayan nila ang iyong ganda.
Ang gandang nakabibighani
na parang isang mapulang gumamela,
ang nilalang na aking pinili
kaysa sa karapatdapat na mawala.
Nawala ako noon sa aking sarili
ngunit kagustuhan ko ang nagawa.
tinanggap ko ang nangyari
pagkat kapalit nito'y ikaw, aking sinta.
Sintang ako'y habambuhay na mawiwili
at lungkot ay di na masisilayan sa mata.
Di mo makikita ang aking pagsisisi
kahit nang gabing iyo'y napuno ito ng luha.
Luhang kapatawaran ang hinihingi
pqagkat kumitil ng buhay nang di sadya.
Ang pag-ibig mo sa akin, sana'y manatili
kahit malaman mong pinatay ko ang halimaw—ang tunay mong ina.
No comments:
Post a Comment