Kwarenta
(Spoken Word Poetry
Piece)
Lumilipas,
Tumatakbo ang oras…
May hinihintay ka?
Ako kasi, oo--
araw-araw naghihintay sa
isang dalaga,
tatlongput-siyam na araw
na.
Dito--
sa kabilang dako ng
posteng ito,
kung saan ang usok at
ingay ay nagtatagpo--
pati na rin ang aming
mga puso.
Ninanakawan ko siya ng
tingin,
umiiwas kapag kaniyang
napansin.
Di ko masabing maganda
siya--
”Oo, maganda ka ngunit
lungkot ang nakikita ko sa iyong mga mata.”
Una kang sumasakay sa
bus na kulay pula,
ako nama’y humihiling na
ma-trapik ka
upang magkasabay pa rin
ang mga bus natin sa paglarga
ngunit hindi kita
naaabutan, nakapagtataka.
Kinabukasan, oras na,
Ako’y nagpasyang
magpapakilala.
Naghintay ako, Hinintay
kita
ngunit wala akong
nasilayan, kahit anino mo, sinta.
Naghintay ako,
pinalagpas ko ang isang oras
kahit bawas na to sa
sweldo at marami nang dumaan na bus--
naghintay ako
ngunit tila nawalan na
ng pag-asa itong puso.
Hanggang…
May dumating na isang
matanda,
babaeng itim ang suot,
malungkot, lumuluha.
Nagtanong ako, “saan po
ang inyong punta?”
”Sa puntod ng apo ko,
iho.”
Kita ang pagkalugmok sa pagsagot niya.
Ipinakita ang
litratong dala-dala,
gulat
ang nadama.
Lalong bumilis ang
pintig ng aking puso
nang sabihin niyang--
“apatnapung araw na rin mula nang nilisan niya ang mundong ito, dito mismo.”
Dito mismo sa lugar na
ito--
sa tagpuan ng aming mga
puso.
Lumilipas,
Tumatakbo ang oras…
Umiibig ako sa isang
multo.
Bakit ganito? Bakit ba
ako
ang pinaglaruan ng buhay
at kamatayan?
Pinagtagpo ang kahapon
at kasalukuyan
sa daang walang
tumatakbong sasakyan--
walang simula ngunit may
hangganan.
~
Photo credits to
Pinterest
Follow our Mother
Organization's page:
Istilo Poetry
Follow also our other
branches:
Istilo Poetry - Tagaytay
Istilo Poetry - Ilocos
Sur
Istilo Poetry -
Valenzuela
Istilo Poetry - Oriental
Mindoro
Istilo Poetry - Negros
Oriental
Subscribe also to our
YouTube Channel: Istilo Poetry
#SpokenWordPoetry
#SuportaLokal
No comments:
Post a Comment