Bannie | PleumaNimoX: LIKAS NA YAMAN

Search This Blog

Monday, May 30, 2022

LIKAS NA YAMAN

#KampiWriconMayo2022

Likas Na Yaman


Kung ako’y magiging isang bagay,
nais kong maging isang binhi--
nag-umpisang walang isang kulay,
pagtubo, daho’y palaging lunti.

Berdeng parteng pinakamahalaga
nang halama’y sumibol na malusog,
kahit may panahong di maganda
at may mga araw na hindi busog.

Nananatiling nakatayo para sa tao,
at bansa, ang sinilangang bayan--
sarili’y magiging matatag at buo,
buhay ay para sa inang kalikasan.

Likas na yaman ng Pilipinas
ang siyang nag-iisang susi,
at agrikulturang pinapalakas
ang pintuang Kanyang pinili.

Magbubukas para sa pag-asa
at liwanag ay muling masisilayan,
yayabong ang lupang pinag-isa
na yakap ang sa mundo’y luminang.

Diyos ang magiging makinang na araw,
katapangan ang lupang titindigan,
at tao ang tiyak na magpapa-apaw
ng pag-ibig, kapayapaan at paninindigan.

KRITIKO NG HURADO:
Maganda ang nilalaman. Inilalarawan nito sa isip ko ang nais niyang sabihin. Nakulangan lang ako sa kariktan. Wala ring gaanong talinhaga para mas maging malikhain ang dating. Sa teknikalidad, maging aware na lang sa consistency at paggamit ng kuwit at tuldok. Kung kailan ito dapat itigil (,) at kung kailan ang tamang tapos (.). -Ginoong Ibarra

Nagustuhan ko ang pagtutulad na ginamit bilang imahe ng tula. Maayos na binalangkas ang mga salitang ginamit para mai-ugnay sa punto. Bagamat iwasang paulit - ulit na gamitin ang isang salita sa mga taludtod, kung hindi naman ito ayon sa pormang pinapakita. Dapat tandaan kung kailan lang ginagamit ang malaking titik sa unahan ng salita. 
-Sir Bench

SERTIPIKO NG PARTISIPASYON

Likas Na Yaman | May 31, 2022 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Pagsulat ng Tula | 88.26% | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...