Bannie | PleumaNimoX: LABAY LIKOD

Search This Blog

Saturday, January 6, 2018

LABAY LIKOD

Labay Likod

Ang bilis lang--
Yong tipong nakakagulat.
Yong akala mong hagdan,
Sa padulas ka pala itutulak.

Biglaang pagbabago,
Di ko man lang napansin.
Hugis ng katawan ko--
Tila tinapyasan ng hangin.

Noo'y nabibigatan,
Ngayo'y mabigat pa rin
Ngunit hindi na ng katawan
Kundi bigat ng damdamin.

Sa mga araw na lumilipas,
Ako'y humihiling--
Na sana'y sakit ay kumupas,
At sugat ay gumaling.

'Yong akala mong limot mo na--
Ngunit sa bawat paglingon,
Bumabalik ang mga alaala.
Bumabalik ang mga tanong.

Bakit ko naranasan ang sakit?
Bakit kailangang matikman ang pait?
Dahilan ba'y upang ako'y bumagsak?
May silbi ba ang bawat luhang pumapatak?

Kung di ako iiyak,
Maririnig mo ba ako?
Kung di ako bumagsak--
Tatawag ba ako sa 'yo?

Ama, kakaiba ka kung magplano
At di ko alam kung ano, o papaano
Ngunit tanging alam ng puso ko,
Kabutihan ang dulot ng pagsunod sa 'yo.

Kaya maglalakad ako, tayo, hawak kamay--
Hahayaan akong lingunin ang nakaraan
Ngunit sa paglagpas, gigibain ang mga tulay--
Upang ang dating ako ay di ko na mababalikan.

---

Paalam, nakaraan
Kahit tanaw parin kita
At di man makalimutan--
Ika'y magiging aral sa kinabukasang lalakbayin ko pa.

Nagmamahal, Bannie Bandibas (Numistmanunula)


Labay Likod | January 6, 2018 | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...