Gaya ng liwanag ng buwan,
Lagablab mo, mundo'y alayan.
Na sa gitna ng kaguluhan,
Maging armas-kapayapaan.
Kabutihan ang s'yang ipunla,
Maging sanhi ng pagkatuwa
At pagkakaisa para sa
Pagkumpuni ng sirang bangka.
Bangka na tayo ang nagwasak,
Lumubog pagkat di hinatak,
Natubunan ng lupang-burak—
Dahilan ng ating pagbagsak.
Ang pagbagsak sa kadiliman,
Sa puot at kapighatian
Na ating pinagdudusahan—
Naghihintay ng kaligtasan.
Kaligtasan na s'yang dumating,
Katuparan ng ating hiling.
Ipagdiwang kanyang pagdating,
Ang lunas sa lahat ng daing.
Araw, nag-alay ng liwanag
Para sa taong nababahag
At nanatiling binubulag
Ng kasalanan, pagkabasag.
Pagkabasag na naayos na,
Kaya humayo't bumangon ka.
Ika'y maging buwan sa gitna
Ng dilim sa puso ng madla.
#MakaTala
#LiwanagNgPaskoDilimNgMundo
No comments:
Post a Comment