#Poet3SecondRound
Nang Ninakaw Ang Araw
Idineklara tayong malaya ngunit ang totoo’y hindi
pagkat hawak tayo sa leeg ng mga may kapangyarihan,
may kakayahang manipulahin ang lipunan at batas
gamit ang panghuhudas pagkat nasisilaw sa pera.
Nagbabangayan, naglalamangan, at ayaw magpapigil.
Nang dahil sa salapi, tayo ang nasupil. Sinasaksak,
dinudustahan at tintanggalan ng karapatan na managana.
Nabulag kaya’t yaman natin at ekonomiya ang apektado.
Ninakaw ang araw sa watawat na bayanihan ang punto,
naging makasarili at iniwang nakabigti ang nasa laylayan.
Imbis na magtulungan, naging gahamang utak talangka.
Iyong para sa bansa ay naging kan’ya. Nagpakalunod.
Ba’t di natin bawiin ang araw at tulungan ang nasa ibaba,
ibalik ang bansang buo at umuusbong. Perlas ng silanganan.
Kaya sa mga bagong upo sa puwesto, nawa’y pansinin
ang mga dahilan kung bakit namumulubi ang Pilipinas
at gumawa ng paraan upang masolusyunan ang mga ito
nang di na tayo muli pang matawag na dukha. Di na muli.
No comments:
Post a Comment