Mensahe sa Likod ng
Mensahe
Sa bawat kong pagsabi
at pagpapaalala sa iyo
ng "Mag-ingat ka
palagi"
ay may mensaheng
nakatago?
MAGanda ka,
lalo na ang iyong
kalooban--
isang Maria Clara
na puso'y puno ng
kabutihan.
Iniibig kong prinsesa,
iba ka sa kahit kanino—
malambing, maaruga,
ngunit katapanga'y
mala-sundalo.
NakangaNGATog kausap,
pagka't sa taglay na
kahinhinan
ay nakatatakot na
maitulak
ang kulo sa loob na
iniingatan.
KAgalingan. Di
mapagkakaila
na ikaw ay tunay na
matalino--
magaling ka rin
magpatawa,
sertipikadong kalog at
mapagbiro.
PAnatilihin mo sana
ang pagiging isang
ihemplo
ng matibay na
pananampalataya
at paniniwala na buo.
LAgi ka mang
nakararamdam
ng sakit at pagkapagod—
alam mo, sa iyong
kahinaan,
siya ang sa mga luha'y
sasalod.
GInang Marikit, munting
binibini—
ang mensahe, ngayon ay
naipahayag.
Ang mga salita ay ipinid
mo sa mga sipi
at baunin mo sa iyong
pagalalayag.
07/11/18
Search This Blog
Tuesday, July 10, 2018
MENSAHE SA LIKOD NG MENSAHE
Mensahe
sa Likod ng Mensahe | July 11,
2018 | Bannie
Bandibas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)
π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...
-
LINK OF THE FULL COPY OF THE ZINE March 5, 2023 | Kapitan & Sundang | Kalazine IV | Kontribyutor
-
π Hindi na ito bago sa akin. I am fond of reading comic strips on newspapers and also on some comic themed publications and this is a typica...
-
π HIndi ko alam kung ano itawag ko dito: 2nd edition, sequel, 2nd release or new version. Pero hindi ito 2nd printing, iba ito sa nauna (PIN...
No comments:
Post a Comment