Paglubog
Sa paglubog ng araw,
unti-unting dumidilim.
Ang langit na bughaw
ay kumukulimlim.
Sa paglubog ng mga puso,
malulunod sa sakit.
Pagtibok ay maglalaho,
wala nang lakas para
kumapit.
Sa paglubog ng saya,
ang nadarama'y
kalungkutan.
Mga mata'y nakapikit na,
wala nang oras para sa
kaligayahan.
Ngunit hindi lahat ay
kasawian,
liwanag ang dala't hindi
dilim
'pagkat ito'y simbolo ng
kapayapaan,
natutupad ang matagal
nang hiling--sa pagsapit ng takip-silim.
LITRATO GAWA NG AI |
No comments:
Post a Comment