Bannie | PleumaNimoX: PULANG TISA

Search This Blog

Wednesday, December 26, 2018

PULANG TISA

Pulang Tisa
ni Bannie Bandibas

Isang libo walong daan dalawampu't limang guhit ng uling sa pader. Limang taon sa dilim, tiniis ang lamig at pangungulila. Sa wakas, ako'y tuluyan nang makalalaya.
---

Disyembre abente kwatro, alas dose ng tanghali. Tirik ang sikat ng araw, singit ko'y pinagpapawisan. Nakaupo lamang dito sa loob ng bus. Hawak-hawak ang pang-noche buena namin mamaya. Bitbit ko na rin ang mga regalong binili ko para sa akong mga anak. Sumbrero kay kuya, palda kay ate at unan para kay bunso. Siyempre hindi ko naman malilimutan ang aking mahal, isang dosenang rosas na ibinalot sa dahon ng saging—sarili kong gawa. Sa bawat regalo ang may inilakip akong mga tula.

Pumito na si manong, nakarating na ako sa destinasyon ko. Kahit na nagkandahirap-hirap na'y nagmadali akong bumaba. Pagkababa'y nag-iwan ako ng bati, "maligayang pasko ho." Si manong ay nagsambit, "sa iyo rin" sabay ngiti. Nagsara ang pinto at sinundan ko ang pagbaybay ng bus pababa ng bundok. "Sa wakas, nakauwi na rin."

Nagsimula akong maglakad paakyat, 'di alintana ang init ng araw.

#CGMWH_FIRST_WRITING_CONTEST

Pulang Tisa | December 27, 2018 | Bannie Bandibas

1 comment:

  1. Simple kaya walang lasa. Hindi ito dagli—pinagsama-sama lamang na mga talata.

    ReplyDelete

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...