Bannie | PleumaNimoX: LOURDES

Search This Blog

Wednesday, April 6, 2022

LOURDES

Lourdes
ni Bannie Bandibas

"Napakabait niyang lalaki. Kailanman, hindi niya ako hinayaang masaktan. Hindi nararapat sa kanya ang mamatay sa ganitong paraan. Hustisya. Hustisya. 'Yon ang kailangan."

Ito ang mga salitang paulit-ulit kong sagot sa mga taong dumarating sa burol niya, tinatapik ang likod ko't nagtatanong ng "kumusta ka?"

Labis ang nararamdaman kong lungkot pagkat nasaksihan ko rin ang una at huli niyang pagtawag sa Panginoon.
---

"Napakabait mong lalaki." Sambit ko sa kanya habang nakaupo kami sa sala.

Tugon niya, "siyempre, ako pa."

"Oo nga. Sa sobrang bait mo'y hindi mo hinahayaang masaktan ako." Dagdag ko habang nakatitig sa kanyang mukha na medyo nangingilid ang luha.

Napatingin siya't nagulat sa emosyong pinapakita ko. "Anong nangyayari? Napano ka?" Tanong niya na may pag-aalala.

"Salamat. Salamat kasi di mo ako hinahayaang masaktan. Masaktan sa mga itinatago mo. Itinatago mong matagal ko nang alam." Sabi ko nang may galit sa boses.

Napaurong siya paatras at kitang-kita ang gulat sa kanyang mukha. "Ano? Paano?"

"Alam kong matagal mo na akong niloloko pero salamat. Salamat kasi hindi ka nagpahuli. Hindi ka nagpahuli noong una para hindi ako masaktan. Pero hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko na ito matitiis lalo na't kaibigan ko pa ang inakit mo. Nasasaktan ako." Sigaw ko sa kanya.

Kinuha ko ang patalim na nakaipit sa gilid ng "sofa" at itinutok ito sa kanya.

"Hindi ka dapat mamatay sa ganitong paraan... Dahil dapat mamatay ka sa mas brutal pang paraan. Pero sa ngayon, ganito na lang para matapos na." Paulit-ulit kong sinaksak ng ilang beses ang lalaking pinakamamahal ko kasabay ng pagsigaw ng "hustisya."

"Hustisya. Hustisya. Hustisya."

Hustisya, hindi para sa 'yo kundi para sa lahat ng mga niloko at niloloko.

"Bakit? Lourd..." Huling mga salitang nabanggit niya habang binabawian ng buhay. Mali ka ng tinawag.

Hustisya. 'Yon ang kailangan ko.



Lourdes | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

1 comment:

  1. I love this flash fiction .Kulang siguro sa execution but I love the story and the playing of words.

    ReplyDelete

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...