Talumpati
ni Bannie Bandibas
Sinimulan nang kabisaduhin ni Sarah ang itatanghal niyang talumpati bukas sa kanilang paaralan.
"Magandang umaga, mga nagpipitagang mga ginoo at gi—"
Napahinto siya sa pagsasalita nang dumating ang kanyang matalik na kaibigan.
"Sarah! Ano 'yan?"
"Ah, yo'ng talumpa—"
"By the way, nagkita ba kayo ni Harold ngayong araw?" Pagputol ng kaibigan sa kanyang pagsagot.
"Uhm... Oo, doon sa kubo sa likod ng sili—"
"Sssh!" Pagpapatahimik ng kaibigan kay Sarah. "May gusto ako kay Harold."
Nagulat si Sarah at napangiti na tila nahihiya. "May gusto iyon sa akin eh. Nanliliga—"
Tinapik siya ng kaibigan sa kanyang balikat. "Gusto mo rin ba si Harol?" Nakikita ni Sarah ang lungkot sa mata ng kaibigan kaya naisipan niyang magsinungaling na lamang dito. Hindi niya alam na nakikinig si Harold sa kanilang pag-uusap na nasa likod lamang nila, di kalayuan.
"Uhmm... Kasi... Hindi! Hindi ko siya gus—"
Tinakpan ng mga kamay ng kaibigan ang kanyang bunganga. Inalis niya ito at sa sobrang inis ay nasigawan niya ito.
"Teka! Kanina ka pa! Ilang beses mo na bang pinutol ang aking pagsasalit—"
Kinabukasan.
Natagpuan si Sarah sa kubo sa likod ng kanilang silid na wala nang buhay. Nakatali ang mga kamay at nakabusal sa kanyang bibig ang papel na kung saan nakasulat ang talumpating itatanghal niya sana noong araw na iyon. Napuno ng saksak ang kanyang katawan, dahilan ng kanyang pagkamatay. "Ang Pagmamahal Mo—Aking Kaibigan" ang pamagat ng kanyang akda.
Naisulat ko ito dahil sa pagkakadiskubre ko ng mga gamit ng /—/ gitling.
ReplyDelete