Bannie | PleumaNimoX: KANINONG PLUMA

Search This Blog

Wednesday, April 6, 2022

KANINONG PLUMA

#TNPsaKAMPI2
#AngIkaapatNaHamon
#PangkatKatapangan

Kaninong Pluma
ni Bannie Bandibas

Dagat
Ulap
Hangin
Kandila

Marami ang agad na nagtatanong sa tuwing nababasa nila ang kaniyang mga akda, sino raw ang may-ari ng pluma? Sino ang nagbuhos ng abo at nag-ihip ng hangin sa mga salita upang magkaroon ng sariling buhay? Di kaya'y isa siyang diyos o engkanto na ibinagsak ng langit sa lupa upang may magkulay muli ng napusyaw na literatura? Marahil ay napupuno siya ng ningning at katanyagan, iyan ang kanilang akala. Natatanaw nila siyang maharlika ngunit ang totoo'y isa siyang dukha. Pulubing pinagkaitan ng tadhana sa kabila ng talentong tunay na kahanga-hanga.

Nagsimula sa pagsulat ng mga tulang may tugma ngunit magulo ang punto. Walang lasa ang mga kataga, walang kuwenta mula simula hanggang dulo. Di niya rin alam ang gamit ng mga bantas, pati ang batas ng bawat uri ng tula na may sariling bilang ng sukat o kahit malaya. Ni hindi niya alam ang salitang makata, basta't nakapagsusulat siya. Paraan niya upang mapansin at mailabas ang mga saluobin ngunit atensyon sa kaniya'y patuloy na ipinagdadamot. Ngunit hindi sa pinanghinaan ng luob at patuloy na nagsagwan sa malawak na karagatan. Sinuong at tinawid ang mga DAGAT ng literatura, matapang na naglakbay.

Nagsimula siyang matuto mula sa mga libro at mga grupong umaakay sa mga bagong manunulat. Nagsanay at ginawa ang lahat upang matawag ang sariling isang bihasang makata. Nagpalit ng pangalan, pangalang papahalagahan habambuhay. Manunula ang ibinigay niyang titulo sa kan'yang sarili, patuloy siyang nakumbinsi na sisirin ang kailaliman ng literaturang pinili. Naging lider hindi upang maging idolo kundi pinunong mapagkumbaba at handang tumulong. Naging masaya siya sa ginagawa niya. Dito siya malayang liparin ang kalakawan, natatanaw niya ang lahat at nilalasap ang rurok ng tagumpay at karangalang natatanggap niya. Ngunit hindi inaasahan ang mga ULAP na pipigil pala sa kan'ya.


Kaninong Pluma | April 7, 2022 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | TNP sa KAMPI – Ikalawang Paglayag | Partisipante (Not Submitted/Incomplete) | Bannie Bandibas

1 comment:

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...