Yakap Ng Uma
ni Bannie Bandibas
Ibinigkis ko ang mga braso ko sa kan'yang katawan,
Habang umiiyak—luha'y marahan niyang pinupunasan.
Ito 'yong araw na tuluyan na kaming ni inay ay nilisan
Ngunit mga paalala't habilin ang sa ami'y iniwan.
"Maging masaya ka sa kung anong mayroon ka."
Sambit niya kasabay ng pagngiti at dagdag pa—
"Sapagkat wala sa estado ng buhay ang tuwa
Kundi sa antas ng pagkakuntento sa mga biyaya."
Itinatak ko ang mga salita niya sa aking puso,
Kaya sa kabila ng kahirapa'y hindi ako sumuko.
Nawala man ang ilaw na nagpapasaya sa buhay ko,
Mananatili ang mga aral niya na dala-dala ko rito.
Hindi marangya ang buhay namin dito sa bukid,
Ngunit mayaman kami sa pagmamahalang di napapatid.
Ang samyo ng hangi'y sariwa, walang maruming bahid,
Tila yakap ni Ina na kasiyahan lamang ang ipinababatid.
Isinulat para gamitin ng isang kaibigan.
ReplyDelete