#DEPRESSION
#LDAROUND2
Kaartehan
ni Bannie Bandibas
Bilyong tao sa mundo,
Lahat nakararanas.
Banyaga, Pilipino,
Walang nakatatakas.
Sakit sa kaisipan,
Lumala'y delikado.
Bigyang pansin, pakinggan,
Di ito isang biro.
Sabi pa nga ng iba,
"Kaartehan lamang 'yan".
Walang pag-uunawa,
Kaya nagbabangayan.
Sakit nga ba ang tawag
O ilusyon ng tao?
Sa kasikata'y dagdag
O problemang seryoso?
Ngunit kahit ano pa
Ang pagkakakilanlan,
Sakit itong malubha
Na lunas ang kailangan.
Hindi 'sang simpleng lunas,
Napakakumplikado.
Minsan pa'y naaagnas
Ang pag-asang gumaling 'to.
Sa mga dinapuan,
Pahirap itong tunay.
Apektadong tahanan,
Pati sariling buhay.
Ito ay emosyonal.
Gamot, nakatutulong,
Ngunit 'di natatanggal
Ng lubusan ang gulong.
Patuloy sa pagtakbo,
Preno'y di kumakagat.
Solusyon para rito
Ay Siyang higit sa lahat.
Lapit sa Panginoon
At ika'y gagabayan.
Tawagin man nila 'tong
Sakit o kaartehan.
![]() |
POSTER NG BEHIND THE VERSES |
Marami ang pumuri sa piyesa kong ito, tunay naman na kapuri-puri. Isang bunga ng sariling karanasan.
ReplyDelete