Dinilaan
Nakaupo sa ilalim ng buwan ang magkasintahan. Tinanong ni Carla si Ben kung ano ang pinakamalakas na parte ng katawan na nakikita. Itinaas ni binata ang kaniyang braso at sunod ang binti, parehong inilingan ni Carla.
Inilabas ng dalaga ang kaniyang dila, uminit ang paligid. Unti-unting inilapit ang mukha kay Ben at saka binigkas ang mga salitang “ayaw ko na,” saktong alas dose. Sa sobrang lakas, nakababasag ng puso.
#AWDaglianFestivalVersion2.0
January 12, 2023 | Dinilaan | Author's Works | Partisipante