Bannie | PleumaNimoX: A REVIEW ON: HANGAD | ZINE

Search This Blog

Monday, March 20, 2023

A REVIEW ON: HANGAD | ZINE

[π]

    (1/3) Kahit noong plano pa lang ay nananabik na akong mabasa ang likhang ito, kahit wala pang pamagat. Isang mahusay na manunulat si Bb. KC kaya di nakapagtatakang sold-out ang zine niya sa Mindanao Book Fest. Una ito sa binasa ko sa tatlong nabili ko mula roon. 

    Simpleng pabalat at mga guhit na kaaya-aya sa mata. Pamagat na may iisang salita, madaling matandaan. Iilang piyesa na maiikli ngunit hindi bitin at mahaba ngunit hindi pilit. Isang obra maestra para sa mga mambabasang nais ng mga akdang nagbibigay ng pahinga at kapayapaan habang nagbabasa.

    Isinulat sa linggwaheng ari ng kanyang bayan na kailangan ipakilala at engganyuhing gamitin sa mga isinusulat ng mga nakaaalam ng wika na ito nang hindi tuluyang mamatay. Bilib ako sa tuwid at payak na paglalahad ng kaisipan sa bawat akda at paggamit ng mga bulgar na salita na nakamaskara sa anyo ng tulo. Ang paggamit ng imahe at mga pagtutulad sa mga parte ng katawan at gamit ng mga ito ay hindi na bago sa awtor ngunit ang kagandahan ng mga piyesa niya rito ay ang pag-aalay ng mga ito ng masarap na hain, nakabubusog na talagang mapananggal gutom subalit magaan sa pakiramdam. Hindi puno, hindi rin kulang. Hindi mo na kailangan pang tumigil pa upang intindihin ang binasang talinghaga dahil sa husay ng pagkalatag ng mga ito. 

    Masasabi kong mainam itong basahin kapag nabibigatan o umaapaw ang mga hinuha na parang Efficascent Oil sa baradong ilong. Tutulong sa iyo na makahinga at makapagpahinga.

    Kung nais ninyong magkaroon ng kopya ng zine na ito, i-kontak lamang ang awtor Kyle Cherifaith Bago o ang pahina sa Facebook ng Sarangani Writers League .

—Banuy

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...