[π]
Sunshades. (Google Translate) Things that covers from sunrays.
Masakit sa balat ang sikat ng araw, kailangan mo ng mga lilim o pantaklob na pananggalang mula rito. Ang pagkakaroon ng panangga ay hindi pagkawala ng sikat ng araw, nariyan pa rin siya, nagliliwanag, sobrang liwanag, nananakit—nagkaroon ka lang panandaliang kaginhawaan.
Ang mga piyesa ng zine na ito ay tumatalakay sa mga pangyayaring nagaganap pagkatapos ng sakit at mga bagay na ginagawa ng mga nasaktan pagkatapos masaktan. Sa dulo ng kirot, lungkot, pighati, karamdaman, panghihinayang, pagsisisi at iba pa ngunit hindi ang tiyak na dulo. Tila sinasabi ng mga piyesa na ganito ang pagtatapos ngunit hindi ito ang tunay na katapusan.
Ang sakit ng pagkawala, paglisan, pagkadurog, pagkabasag at iba pa ay maaaring magtapos sa paghilom, pagtanggap, paghihiganti, kapayapaan, kaligayahan at pag-iral ngunit ito'y mga lilim lamang dahil alam ng mga salita, ng mga linya, na hindi iyon ang dulo. Madarama ang emosyon ng mga pangyayaring personal na narasanan ng manunulat sa mga akda and the message of comfort, encouragement, and support that comes after...
Ngunit gaya ng nasa guhit, alam nating hindi ang pampang ang dulo ng lupa dahil mayroon pang nasa ilalim ng dagat. Kailangan mong sisirin ito upang maabot nang may suporta ng oxygen tank para makahinga. Suporta ang kailangan natin upang makapagpatuloy at maabot ang kabilang dako kahit hindi maipapangakong wala nang sakit.
Kung nais n'yong magkaroon ng kopya nito ay magmensahe lamang sa awtor: Francis Madas.
--Banuy
No comments:
Post a Comment