Bannie | PleumaNimoX: A REVIEW ON: STORMS IN OUR MIND | ZINE

Search This Blog

Friday, September 15, 2023

A REVIEW ON: STORMS IN OUR MIND | ZINE

π

Gaya ng mga isla sa Pilipinas, marami-rami rin ang mga bagyong dumadalaw sa ating isipan. May iba't ibang bilis, bugso ng hangin, tagal ng pananatili at laki ng iniiwang pinsala—mga bagyong tinatawag nating karanasan. Ngunit hindi gaya ng bagyong pisikal na mapangwasak, ang mga delubyo sa kaisipan ay minsan rin mapanghilom. Natatabunan ng mga lupang inanod ng baha ang mga butas na matagal-tagal ring hindi maisarado, naipatumba ang mga istrakturang nakaharang sa dahang tinatahak, nililipad ang mga bubong ng tahanang madilim na kailanma'y di nagkaroon ng kaliwanagan, nagsulputan ang mga lihim na nailibing at ang mga bagay na matagal nang hinahanap, at nadiskubre ang pagkakaisa ng mga hinuha upang magkaroon ng kapanatagan.

Personal ang atake ng mga piyesa, hahayaan kong ikaw mismo ang makadiskubre ng makatatama sa 'yo.

Kung nais n'yo pong magkaroon ng kopya, magpadala lamang ng mensahe kay Bb. Dawn Sinangote.

—Banuy

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...