π
Luwal | Hati, mga tula ni Agatha Palencia-Bagares.
The only chapbook I bought last August, 2023 in Philippine Book Festival held at SMX Lanang. As I was buying this, ang nasa utak ko ay para ito sa mga nanay. Kept on my shelf until I had time this year to read at hindi ako nagkamali dahil para nga talaga ito sa mga nanay as the author qouted: alay sa mga nanay... Pero napagtanto ko pagkatapos manamnam ang mga tula—hindi lang ito para sa mga nanay.
Para rin ito sa mga magiging nanay, naging nanay, muling gustong magdalang-tao at sa kailanma'y hindi na makabubuo. Ang karanasan ni Bb. Agatha ay magiging aral para sa hindi pa dumarating na sakuna, dilim, o kalungkutan na siya ring magiging ilaw. May mga payo para sa nais na sumubok ulit at pangako para sa (mga) bunga nito.
Ako, bilang asawa (bana), ay nagkaroon ng kaliwanagan at insights sa kung ano ang nangyayari sa isipan ng isang ina habang nagbubuntis at pagkatapos. Matagal na akong nakabasa ng mga artikulo ngunit mas may tatak talaga ang malikhaing paglalahad at nasa anyo ng literatura na naeengganyo akong basahin. Alay rin pala ito sa amin.
I have no idea if available pa ba ito o kung magpo-produce pa ang author but you may browse her social media accounts for ways to inquire.
—Banuy
No comments:
Post a Comment