Isa lang ang ipinaunawa sa akin ng uniberso mula sa zine na ito...
Na tunay kang nagmamahal kapag kaya mong ipaliwanag ang kung sino ang iyong minamahal at kung paano mo siya minamahal.
Normal ang di ibahagi ang kung bakit mo siya minamahal, kasi madalas ay hindi natin alam, hindi natin lubos na naiintindihan, o minsan at ayaw lang natin na mahusgahan sila o tayo sa dahilan ng ating pagmamahal pero naniniwala ako na ang tunay na umiibig ay dalubhasa sa kung paano siya umiibig at kung kilala ang kung sino ang kanyang minamahal.
Sa iyong matalik na kaibigan ay kaya mong makipagbiruan dahil alam mong hindi siya sensitibo ngunit sa isa mo pang kaibigan ay kailangan mong maging seryoso dahil dadamdamin niya ang lahat, sa iyong mga magulang ay kaya mong ilabas ang saluobing hindi mo kayang ipakita sa iba dahil alam mong kaya ka nilang pakalmahin ngunit sa kapatid mong suplada ay pinipili mong maging pasensyoso, at isa pang halimbawa ay sa iyong asawa ay kaya mong umiyak at maging mahina ngunit sa iyong anak ay kailangang mong magpakita ng tibay dahil hindi pa sila handa sa masalimuot na mundo.
Para sa mga maraming naging kasintahan, malalaman mong tunay kay nagmahal kung alam mo ang kaibahan nila at alam mo ang kaibahan ng kung paano ka umibig dahil kung mayroon kang maihahantulad, dalawa ang kahulugan: isa lang sa kanila ang tunay mong minahal o mayroon kang standard sa kung paano ka mahalin at magiging hudyat sa pagbibigay mo ng pagmamahal. Gusto mong bumalik ang kung paano ka magmahal na sa aking pananaw ay hindi tunay.
Hindi naman palaging para sa iba, ito ay para rin sa sarili—hinahayaan mong tumawa ang nalulunod sa tuwa mong inner child, isinisigaw ang mga nais lumabas kapag nabibigatan, iniintidi ang pagiging bugnutin kapag gusto mong mapag-isa, at marami pang pag-unawa sa sarili kahit sa mga panahong di na ito kamahal-mahal.
This zine is truly a work of art and the author's creativity is beyond measure. Poem after poem is like a different version after a version of you as a reader, a lover, and loved.
Sabi ng manunulat ay hindi na raw siya maglalathala ng dagdag na kopya ngunit maaari n'yo siyang kumbinsihin, baka magbago pa ang isip.
—Banuy
No comments:
Post a Comment