Search This Blog
Monday, October 30, 2017
PHP. 100
Php. 100 | October 31, 2017 | Bannie Bandibas
Tuesday, October 3, 2017
83RD NATIONAL BOOK WEEK
Sunday, October 1, 2017
GUPROGRESIBO
Date: October 2-3, 2017
Author: Bannie M. Bandibas
Theme: Gurong Pilipino: Kaabay sa Progreso
Genre: Inspirational/Commemorative
Award: 2nd Place
Isang tula na alay ko para sa ating mga dakilang guro. Napapagod man ay hindi ninyo kami sinukuan 'pagkat tunay na hangad niyo ang aming tagumpay. Salamat sa pagtitiyaga at walang sawang pagbabanat ng buto upang kami ang maturuan. Isang malaking parte ang naibabahagi ninyo sa progreso ng mundong ating ginagalawan at aming pamumunuan, mga kabataan, bukas Pagpupugay para sa inyo, mga totoong alagad ng edukasyon.
Hindi naibigay ang sertipiko pagkat nagkamali sa pag-imprinta at hindi na nabalikan.
GUpROgresibo | October 2, 2017 | Ramon Magsaysay Colleges | Teacher's Day 2017 - Pagsulat ng Tula (10/3/2017) | Second Placer | Bannie Bandibas
*middle part, behind another guy sitting* |
MAINIT NA KALAMANSI JUICE
WRITERS SECRET FILES
Mainit na Kalamansi Juice
#SaPaskongSasapit
Heto na naman tayo sa panahong
Laganap ang mga cold at bitter.
Nagkukumpulan na parang mga dahon,
Ang mga itsura’y aakalain mong killer.
Tititigan ng masama ang mga naglalakad
Na couples, married at it’s complicated.
Sigaw nila’y “Walang Forever” habang babad
Sa ilalim ng araw--init ay di batid.
Mga brokenhearted and brokenwallet,
Naloko, napagsamantalahan, na-uto,
Naperahan, nanakawan, ipinagpalit,
At hinayaang mabasag ang puso.
Naisip ko, tila ako’y kasapi nila--
Samahan ng Malalamig ang Pasko.
Kasi nararamdaman ko sila--
Ang kalungkutan ng isang nabigo...
Ngunit, naalala ko--di ako ganito.
Sabi pa nga ni inay na dapat
Sa bawat taon na sasapit ang pasko,
Maging masaya ako’t di maalat.
Oo, nga naman - bakit ko nga ba
Sasayangin ang isang pagdiriwang
Na nakasanayan kong masaya
Ay maging malungkot dahil sa isang paalam.
Galing sa isang babaeng labis kong
Kinagiliwan, minahal at inalagaan.
Ngunit sumuko--yong tipong
”Bakit ikaw ang napagod? Ako naman yung lumaban.”
Kaya tama na--ayaw kong maging tulad nila.
Di makalaya sa sugat at sakit na nadarama,
Kaya ngayong sasapit ang pasko, ako’y maligaya.
Init at tamis ng pag-ibig ang aking ititmpla.
A juice in hot water--try to imagine.
Yong nagkakasundo ang init at tamis sa aking panlasa.
Kalamansi--pagka’t ako’y mayroon pa ring asim.
Ganiyan ako kung mag-move-on, ang weird diba?
*Certificate of Participation* Note: Created by Yours Truly |
Mainit na Kalamansi Juice | October, 2017 | Writers Secret Files | Sa Paskong Sasapit (Poem Category) | Partisipante | Bannie Bandibas
A REVIEW ON: KAPOY NAKO
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...
-
π Follower ko ni Sir Mubarak sa facebook ug nakaila ko niya kadtong isa ka issue sa TF something in the past, sukad ato kay sige na kog atan...
-
π Luwal | Hati, mga tula ni Agatha Palencia-Bagares. The only chapbook I bought last August, 2023 in Philippine Book Festival held at SMX L...
-
π Takós Tomo III Ito ang unang volume ng antolohiyang Takós na nabasa ko, di mapagkakaila ang husay sa pagpili ng mga piyesa na talagang uma...