Bannie | PleumaNimoX: GUPROGRESIBO

Search This Blog

Sunday, October 1, 2017

GUPROGRESIBO

   Unang nilahukan kong paligsahan sa pagsulat noong nasa kolehiyo ako. Isang hindi masyadong pinaghandaan dahil umaga ng mismong araw ako inabisuhan na ako ang isasalang sa kompetisyong ito--Pagsulat ng Tula para Araw ng mga Guro na gaganapin pagkabukas ng araw na iyon. Dali-dali akong pinili ng presidente namin sa departamento na lumahok at wala akong pag-aatubiling sumang-ayon. 

    Narito ang aking piyesa: (Matatagpuan rin sa Wattpad)

GUpROgresibo
[Tula]

Sa paglipas ng panahon, ang mundo
Ay patuloy at unti-unting nagbabago
Kasabay ng bawat minuto o segundo
Na matikas at pustura kang nakatayo...

Sa harap ng libo-libong mga mata,
Ni isa ay di mo man lang kilala,
Ni kadugo, ni kasundo, ni kapamilya,
Ngunit handa mo paring alalayan sila.

Sila na sa araw-araw ay naging
Parte na ng problema sa buhay at dilim,
Bukas palad mong tinanggap nang walang daing
Kaya't pangalawang magulang, ikaw ay itinuring.

Dakilang ama o ina na labis ang tuwa
Na kahit hindi nauna, palaging nariyan ka,
Iaalay ang mga kamay at puso upang turuan sila
Pagkat hangad mo ang tagumpay at kinabukasan nila

Nais mong mapaunawa na sila na lamang
Ang maari niyong paunlarin at asahan
Sa pagbabago at pagyabong na inaasam,
Magpapatuloy sa daang inyong sinimulan...

Kaya't handa n'yong ibahagi sa bawat tainga
Na makikinig sa mga salita at letra
Na pinaghirapan niyong buuin at maitula,
Maisulat sa mga makahulugang tanikala

Panulat at kaalaman na bibitbitin namin
Ay magsisilbing tulay at salamin
Ng mga sakripisyo at paghihirap na tiniis mo
Upang gabayan ang magiging dahilan ng progreso ng mundo.

Date: October 2-3, 2017
Author: Bannie M. Bandibas
Theme: Gurong Pilipino: Kaabay sa Progreso
Genre: Inspirational/Commemorative
Award: 2nd Place

Ramon Magsaysay Memorial Colleges General Santos
Teachers' and Employees' Day 2017 Celebration

    Isang tula na alay ko para sa ating mga dakilang guro. Napapagod man ay hindi ninyo kami sinukuan 'pagkat tunay na hangad niyo ang aming tagumpay. Salamat sa pagtitiyaga at walang sawang pagbabanat ng buto upang kami ang maturuan. Isang malaking parte ang naibabahagi ninyo sa progreso ng mundong ating ginagalawan at aming pamumunuan, mga kabataan, bukas Pagpupugay para sa inyo, mga totoong alagad ng edukasyon.

    Hindi naibigay ang sertipiko pagkat nagkamali sa pag-imprinta at hindi na nabalikan.


GUpROgresibo | October 2, 2017 | Ramon Magsaysay Colleges | Teacher's Day 2017 - Pagsulat ng Tula (10/3/2017) | Second Placer | Bannie Bandibas

*middle part, behind another guy sitting*


No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...