Php.
100
ni Bannie Bandibas
Isang
daang piso,
Ganyan
lang ba ang halaga ko?
Ni
hindi makatingin ng diretso
Sa
mga mata ko.
Bakit
iba na ang tingin n'yo sa 'kin?
Kasalanan
ko ba ang nangyari?
Ako
ang napagsamantalahan
Ngunit
bakit ako nabibigatan at nasisisi.
Pati
ikaw, ikaw na minsang nagsabi
"Sa
ganda mo, maraming mabibighani."
Ikaw
na minsang nagbigay ng pagmamahal,
Ngayo'y
mang-iiwan na rin ere.
Kasalanan
ko ba ang magahasa?
Tapos
susumbatan mo pa--
"Kung
nag-ingat ka lang sana,
Edi
sana mahal pa rin kita."
Umasa
ako na ikaw ang una
At
huling taong tatangap sa puso ko,
Yong
akala kong magpapahalaga
Ngunit
ang unang magtatapon pala...
Ng
isang daan sa mukha ko
Habang
nakaluhod at nagmamakaawa
Sa
kasalanang hindi ko ginawa--
Isang
kalapateng ang lipad ay mababa...
Gan'yan
mo ako ngayon nakikita...
No comments:
Post a Comment