Unang pagtapak ng mga paa
Sa silid, napuno ng pangamba.
Mabuting kamag-aral, paano nga ba?
Paano ako makikisalamuha?
Naging nagulo ang aking isip,
Tiwala sa sarili'y inihip
Ng hangin, ako'y natahimik—
Natakot at nanatiling di umiimik.
Inilayo ang sarili sa iba,
Palagi namang nababalewala
Ngunit biglang namulat ang mga mata
Dahil hindi pala ako nag-iisa.
Nakilala ko kayo, naging kaibigan ko.
Kayo ay nanatili sa tabi ko, dito.
Sinamahan at naging motibasyong buo.
Di na muling malulungkot ang puso.
Ngunit iyon ang aking akala,
Akala ko'y di na magigiba.
Dumating na ang itinakda,
Ang araw na lahat tayo'y kakawala.
Pagpatak ng luha'y pinipilit
Na pigilan ngunit masakit,
Pagka't sugat sa puso'y sumisilip.
Hinihiling, ito sana'y isang panaginip.
Sa huling araw na magkasama,
Nagbigay kayo ng paalala.
"Maging palakaibigan ka,"
Ang papel ko sa buhay na dala-dala.
Kaya di na muling magkukubli,
Magtitiwala na nang buo sa sarili.
Maglalakbay sa magkaibang daang pinili
Ngunit sa puso, kayo'y mananatili.
#WITEntry
#EndOfSchool