Bannie | PleumaNimoX: TULAY

Search This Blog

Monday, March 4, 2019

TULAY

#Daglipunan

#MahalKongBayan

#APIS

Entry number: 5

Tulay


"Mare, naniniwala ka doon sa isang haka-haka na nilalagyan raw ng dugo ng mga batang pinapatay ang bawat tulay na ginagawa dito sa Pilipinas upang maging matibay?" Bungad ni aling Piling sa kumare niyang si Sinang.

"Hindi ako naniniwala diyan, Mare. Hindi naman ganoon karahas ang gobyerno para gumawa ng karumaldumal na krimen." Tugon ni Sinang.

"Oo nga naman, pero naisip mo bang baka totoo 'yon?" Tanong ni Piling.

"Paano naman magiging totoo 'yon?" Pagtataka ni aling Sinang.

"Nabalitan mo ba iyong kapitbahay nating sila Basya at Lolong? 'Yong nangyari sa anak nila. Namatay raw kasi ilang araw nang hindi napapakain, napapainom ng gatas at naalagaan." Tsismis ni Piling.

"Oo nga. Eh, inuuna nila ang mga bisyo nila kaysa bumili ng gatas para sa anak eh. Ang mahal na kaya ng alak ay sigarilyo ngayon dahil sa tax tapos magdamagan pa silang nagpapakasasa sa bisyo." Sambit ni Silang.

"Di ba 'yong perang nakukuha sa tax, ginagamit ng gobyerno sa pagpapagawa ng istraktura sa bansa. Parang ganoon na rin 'yon di ba? Namamatay ang mga bata dahil pagmahal ng mga bilihin ay wala nang maipangkain." Pangungumbinsi ni Piling.

Napatango si Silang. "Oo nga, Mare. Pero nalilito ako, sino nga ba ang dapat sisihin? Ang gobyerno o tayo?" Sila'y nag-katinginan, natameme at nagpatoy na sa paglalaba sa ilalim ng tulay.


*Certificate of Participation*

Tulay | March 5, 2019 | Aurum PlumInk Society | Daglipunan: Mahal Kong Bayan | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...