#KAMPIAktibidad
#KAMPITulangLiriko
Tinta'y Ibuhos Mo
ni Bannie Bandibas
Pansinin ang paligid,
Nawawalan ng kulay
Sayo'y nakapalibot
Ay hindi na tunay.
Ref:
Iyong balikan
Ang alam mong daan,
Umuwing sabik sa tahanan.
Ayusin ang buhol
At pakalmahin ang alon.
Cho:
Ang 'yong katha,
Ang mga tula
Na sa mundo'y nagpapasigla.
Isulat ang sa puso mo,
Saya man o pagkabigo—
Tinta'y ibuhos mo.
Verse:
Puno man ng problema,
Ito'y nagpapagaan
Sa iyong nadarama
At magulong isipan.
Ref:
Halina't ibuhos,
Hayaang umagos,
Kamay mo ma'y magkagalos.
Sa 'yong pagsulat
Marami ang mamumulat.
Ang 'yong katha,
Ang mga tula
Na sa mundo'y nagpapasigla.
Isulat ang sa puso mo,
Saya man o pagkabigo—
Tinta'y ibuhos mo.
Bridge:
Paulit-ulit, nadapa
Ngunit bumangon,
Tumayo
At di nagpalupig,
Binuksan ang pintong sarado.
Ang 'yong katha,
Ang mga tula
Na sa mundo'y nagpapasigla.
Isulat ang sa puso mo,
Saya man o pagkabigo—
Tinta'y ibuhos mo.
Hango sa tono ng "This I Promise You" ng bandang "Nsync"
No comments:
Post a Comment