Bannie | PleumaNimoX: December 2019

Search This Blog

Tuesday, December 31, 2019

SWPU LOGO 2020


| KunEho—Logo Artist
Spoken Word Poetry University
Administration Logo 2020

Tuesday, December 17, 2019

CAMP SAWI

"Nagiging totoo tayo kapag lasing. Kaya lang naman tayo nagpapakatoma kasi ayaw nating maging responsable sa mga gusto nating sabihin o gawin. Iyong truthfulness na walang commitment. Iniiwasang seryosohin kahit totoo naman—upang kung sakali'y hindi naging mabuti ang usapan, hindi required ang masaktan. Kaya pipiliin kong malasing na lang at magising kinabukasan na wala na akong nararamdaman, hangover na lang."

Camp Sawi | December 18, 2019 | Bannie Bandibas

Tuesday, December 10, 2019

SUGO NG ARAW

Sugo ng Araw

Gaya ng liwanag ng buwan,
Lagablab mo, mundo'y alayan.
Na sa gitna ng kaguluhan,
Maging armas-kapayapaan.

Kabutihan ang s'yang ipunla,
Maging sanhi ng pagkatuwa
At pagkakaisa para sa
Pagkumpuni ng sirang bangka.

Bangka na tayo ang nagwasak,
Lumubog pagkat di hinatak,
Natubunan ng lupang-burak—
Dahilan ng ating pagbagsak.

Ang pagbagsak sa kadiliman,
Sa puot at kapighatian
Na ating pinagdudusahan—
Naghihintay ng kaligtasan. 

Kaligtasan na s'yang dumating, 
Katuparan ng ating hiling. 
Ipagdiwang kanyang pagdating, 
Ang lunas sa lahat ng daing.

Araw, nag-alay ng liwanag
Para sa taong nababahag
At nanatiling binubulag
Ng kasalanan, pagkabasag. 

Pagkabasag na naayos na, 
Kaya humayo't bumangon ka.
Ika'y maging buwan sa gitna
Ng dilim sa puso ng madla. 

#MakaTala
#LiwanagNgPaskoDilimNgMundo

Sugo Ng Araw | December 10, 2019 | Spoken Word Poetry Makatala | Part of Top 10 | Bannie Bandibas

Monday, December 9, 2019

PICTORIAL 2019

"Sometimes, being able becomes a crime because they give more sympathy to the ones who ask--for they have none, without knowing the struggle of the prior that's undergone just to be able."


Pictorial2019 | December 10, 2019 | Bannie Bandibas

Sunday, December 8, 2019

TAO LANG

Tao Lang

Tao lang naman ako, tao lang. 
Sa mga kakayahan ko'y maraming humahadlang.
Kahinaan, takot, hiya at pagdadalawang-isip
kung kaya ko ba—kaya hinahayaan na lang na maihip

ng hangin ang lahat ng oportunidad
at aking mga natatanging abilidad
na di ko kayang ipakita sa mundo. 
Ni hindi maipakita kahit pananampalataya ko sa 'yo. 

Masyado akong mahina para buklatin ang aklat, 
di ko na magawang basahin ang iyong mga sulat. 
Napapansin kong nawawala na ang aking lakas
pagkat ang puso ko'y hindi na sa 'yo nakabukas.

Kaya lumayo ako at nagtago kung saan,
sa dilim na nababalot at napapaligiran ng kasalanan.
Akala ko'y magugustuhan ko ang buhay dito, 
pero hindi, pagkat lalo lang akong nabigo. 

Nagsimula akong magmuni-muni
at sa salamin ay tiningnan ang sarili. 
Hindi ako ito, hindi ako nababagay na maging sundalo
ng dilim at kasalanan pagkat ako'y anak mo.

Pinaglakbay ko ang aking paningin sa paligid, 
natanaw ko ang lahat sa dilim—luha ko'y nangilid.
Natanaw ko ang mga ligaw na puso at sugatan, 
kailangan nila ang kung anong aking tangan-tangan.

Siguro'y pinatungo mo ako rito para sa isang misyon,
ang gabayan sila patungo sa 'yo, Panginoon.
Doon ko lang naalala ang mga sinabi noong una, 
"tao ka ngang pinakamahusay at pinakamaganda kong nilikha."

#KristiyanongManunulaWritingContest


SERTIPIKO NG PAGLAHOK


SERTIPIKO NG PAGLAHOK

PASKIL NG KRISTIYANONG MANUNULAT

Tao Lang | December 9, 2019 | Kristiyanong Manunulat | What Can I Do For Him? | Partisipante | Bannie Bandibas

SEAGAMES 2019

“Being distracted or affected emotionally is a choice and not an excuse for losing because winning is always a result of your ability to win.”

JUNNA TSUKII, KARATE ATHLETE (THE MANILA TIMES)


SEAGames2019 | December 9, 2019 | Bannie Bandibas

Thursday, December 5, 2019

RMMC INTERNATIONAL WOMEN'S DAY 2019


| Bannie Bandibas—Backdrop
RMMC Women's Club
International Women's Day 2019 Celebration
December 6, 2019

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...