Unang beses kong naging admin sa isang pahina sa Facebook--Spoken Word Poetry University, at nagsagawa ng isang kontes sa pagsulat ng tula. Naging kolab na paligsahan si na nilahukan ng ilang miyembro kasama ang isang admin ng pahina. Ang naibigay sa akin ay si Rubelyn Verterra na naging matalik kong kaibigan at nakababatang kapatid sa mundo ng literatura at panitikan. Narito ang amin piyesa:
*Poster - created by Pleumanimox* |
TABAK AT DAHAS
Si Andres Bonifacio, isang Dakilang Pilipino.
Siya ang matatawag naming tunay na Bayani
Na ipinaglaban ang kasarinlan mula sa mga mapang-abuso.
Kung ako’y may tutularan man, siya ang aking napili.
Marahil ang iba sa kabataan ngayo'y hindi sya kilala
Ngunit ang buhay niya'y nararapat matutunan
Na napabilang sa matatapang na tao na ipinaglaban ang ating bansa
Maging kapalit man ang buhay nya, sya ay patuloy na lumaban.
Nais kong ipaalam ang kaniyang karanasan
Bilang isang pinuno ng kilusang magiting.
Katipunan ng mga anak ng bayan
Na handang lumaban upang makamit ang inaasam at hiling.
"Punitin ang sedula!" Sigaw sa Pugadlawin
Para sa ating mga kapwang Pilipinong madla
Dahil sa nararanasang mga pighatiin.
Sigaw na may bulong, "sana ito’y matapos na".
Si Emilio Aguinaldo ay hindi ko maituturing
Na unang pangulo ng ating bansa kundi isang gahaman.
Pagkat si Andres ay ipinapatay sa sariling lupain
Hinayaang dugo ay dumanak upang posisyon ang makamtan.
"Hindi mga dayuhan ang ating tunay na kalaban,
Kundi ang ating sarili", tama si Heneral Luna.
Tabak ang sandata ni Bonifacio, dahas ang paraan
Ngunit nakakalungkot isiping sa tabak din natapos ang buhay niya.
November 28, 2017
#SWPUBonifacioDay
*Certificate of Participation - created by Pleumanimox* |
*Poster - created by Pleumanimox* |
Tabak at Dahas | November 28, 2017 | Spoken Word Poetry University Page/Group | Ukitan ng Letra - "Bonifacio" | Participant | Rubelyn Verterra | Bannie Bandibas (Admin)
*Certificate of Recognition - Tally Team Member - created by Pleumanimox* |
LINKS:
No comments:
Post a Comment